^

PSN Showbiz

Dominic pinagtawanan ang ‘pambababae’

Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Dominic pinagtawanan ang �pambababae�
Dominic Roque

Ang “Luhhhh” na reaction ni Dominic Roque sa akusasyon ng isang netizen na nag-cheat siya kay Bea Alonzo kaya sila nag-break. Sabi ng netizen, “Hello cheater. iniwan mo si bea sa ere karma is real.”

Sagot ni Dominic, “Luhhh” at sinundan ng laughing emoji.

Natawa na rin ang mga nakabasa sa akusayon kay Dominic at maging sila ay nagulat din.

May rason na magulat at mawindang si Dominic sa bagong akusasyon sa kanya dahil bago. Tila nag-iisa ang netizen sa paniwalang ang pagiging cheater ang rason ng break-up nina Bea at Dominic.

Saan galing ang isyung ito?

Ang daming lumutang na rason ng break-up ng BeaDom at may mga humihirit pa. Ang pinaka-latest na rason ay religion dahil Christian si Dominic at Catholic ang ex. Pero, teka parang may mali dahil kung religion ang rason ng break-up, eh, noong isang araw lang na-baptized si Dominic at  ibig sabihin, noong mag-proposed siya kay Bea, hindi pa siya Christian.

Anyway, kung naiisyu si Bea na may bago na raw karelasyon, nadadagdagan naman ang shippers nina Dominic at Kathryn Bernardo. Sana raw, silang dalawa na lang dahil mas bagay siya sa ex ni Daniel Padilla kesa kay Alden Richards.

Dagdag pa ng shippers nina Dom at Kathryn, mas magandang pakinggan ang KathDom, kesa sa KathDen.

Tingnan natin at hintayin kung sinong babae ang bibihag sa puso ni Dominic.

John Lloyd, iba na ang mga sinasabi sa gf

Birthday ni John Lloyd Cruz kahapon, June 24 at binati siya ng girlfriend niyang si Isabel Santos.

Short and simple ang birthday greetings ni Isabel sa boyfriend at sabi lang, “Mahal kita beh.”

Sa isa pang birthday greetings ni Isabel sa actor : “Happy birthday behbeh. Wala ka na namang battery. Tawagan mo ako pag meron na.”

Sumagot si JLC na gamit ang pangalang “Idan Cruz.” Pangalan yata ng isa sa mga karakter na ginampanan niya at ang sweet ng sagot nito sa  GF.

“And thank you beh for coming into my life. Your love makes life a little less ordinary and carries me to a place where silence allows me to transform the greatness of astonishing pain and intolerable loss into an opportunity to be the person i want my son to see. Thank you for being there beh. Thank you for your love. Please don’t ever stop cooking for me. It’s the only way i truly feel special. @isabelreyessantos.”

Ang daming bumati ng happy birthday sa aktor na hindi na gaanong aktibo na tinawag siyang Idan at may nag-comment na ang tamis ng sagot niya sa karelasyon. Hindi yata sanay ang karamihan na sweet ang aktor.

May kasamang mga larawan ni JLC na kuha sa travel nila ni Isabel at noon lang nakita, kaya na natuwa ang mga fans.

Catriona, may bagong umpisa sa pagpapabinyag

Christian na rin pala si Catriona Gray at sabay-sabay silang na-baptized nina Dominic Roque at Cristine Reyes.

“A new beginning with Jesus. Glory to God always. So fulfilled to take the step of publicly  declaring my faith today. I was baptized as a baby, but wanted to take this action as an adult. So thankful to the community and family that @favor.mnl is. Thank you God for never ceasing in the pursuit of my heart.”

Kabilang sina Gary Valenciano, Dr. Vicki Belo, Anthony Pangilinan, Miriam Quiambao, Hayden Kho, Isabel Oli, Michelle Gumabao, Dyan Castillejo sa mga nag-comment.

Ang gaganda ng messages nila for Catriona at may nabasa kaming comment na she made the best decision in her life.

May kontrabidang comment lang, pareho raw sila ng group na sinalihan ni Sam Milby, pero nag-break pa rin sila.

vuukle comment

ACTOR

DOMINIC ROQUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with