Viu, meron nang BL series
Ngayong Hunyo, buwan ng Pride Month, tampok ng Viu Philippines ang kanilang Boys’ Love romance-comedy series na mula sa GMMTV, isang kilalang entertainment company sa Thailand. Ibinalita ng Viu na kabilang ngayon sa kanilang premium Asian content ang Wandee Goodday at My Love Mix-Up! na produced ng GMMTV.
Sa Wandee Goodday ang brokenhearted at lasing na si Dr. Wandee ay magkakaroon ng one-night stand sa Muay Thai fighter na si Yo Yak Phadetseuk. Para walang komplikasyon, magkakasundo ang dalawa na maging “friends with benefits” lamang. Pero kahit iwasan o itanggi, magkakadevelopan pa rin sila ng feelings.
Ang series na ito ay base sa isang nobela. Bida rito ang dalawa sa pinakamainit at pinaka-sexy na BL actors. Si Inn Sarin Ronnakiat, star ng popular na Thai BL series na The Miracle of Teddy Bear, ang gumaganap na si Dr. Wandee. Habang si Sapol Assawamunkong, na gumaganap na Yo Yak, ay star ng Thai adaptations ng K-dramas na Beauty Newbie and Start-Up.
Ang My Love Mix-Up! naman ay kuwento ng mga estudyante sa high school. Ang mahiyaing si Atom ay may crush sa babae niyang kaklaseng si Matmi. Pero si Matmi ay may gusto naman sa lalaking si Kongthap. Nang makita ni Kongthap na hawak ni Atom ang eraser ni Matmi kung saan nakasulat ang kanyang pangalan, iisipin niyang may gusto sa kanya si Atom.
Sina Gemini Norawit Titicharoenrak at Fourth Nattawat Jirochtikul ang gumaganap sa mga papel na Atom at Kongthap. Sila ang nabansagang “Geminifourth” na BL love team na ngayo’y malaki na ang fan base sa Asia.
Maaring i-download ang Viu sa Apple Store o sa Play Store o bistahin ang www.viu.com para mapanood ang Wandee Goodday, My Love Mix-Up! at iba pang Asian dramas nang libre. Ang iba pang BL titles na available na sa Viu ay ang Close Friend, Close Friend 2, Close Friend 3 Soju Bomb!, Bite Me the Series at Kiseki in Tokyo Chapter 2.
- Latest