^

PSN Showbiz

Paolo, may sagot sa pag-unfollow kay Yen

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Paolo, may sagot sa pag-unfollow kay Yen
Paolo Contis at Yen Santos

“Katulad nga ng sinabi ko, ang IG (Instagram) ko pang-promote na lang. Anything personal wala na. ‘Yun lang,” ito lang ang sagot ni Paolo Contis tungkol sa kontrobersyang nag-unfollow na siya kay Yen Santos.

Ang analysis kasi, confirmation ito na wala na sila ni Yen kahit wala namang sinasabi si Paolo o maging si Yen.

Nauna nang nag-unfollow si Yen sa actor at doon nag-umpisa ang speculation na wala na sila ng inactive actress.

Naikonek din ito sa pagpayat ni Paolo na sadya pala niyang ginawa nung umpisahan ang pelikulang Dear Satan na sina-suggest na isali sa Metro Manila Film Festival 2024 ayon sa narinig kong chika.

Ang ganda ng kuwento ng Dear Satan ha, kuwento raw ito ng isang bata na imbes na Dear Santa ang isulat, Dear Satan ang nasulat.

At ang gaganap na Satan, si Paolo.

Wow parang ang ganda ng concept ng movie, nakakaaliw, kuwento pa lang sa akin. 

At doon daw pumayat nang husto ang actor.

Anyway, pero ang big question talaga ngayon ay kung totoo bang wala na talaga sila ni Yen?

Ang narinig kong usapan, diumano’y may mga nakikialam sa relasyon nila, sa side diumano ni Yen.

Totoo ba na kontra ang mga nakikialam kay Paolo?

Well, walang sagot si Paolo ‘pag tinatanong sa totoong status ng relasyon nila ng dating actress.

Sino naman kaya ‘tong mga nakikialam na ‘toh sa kanilang relasyon?

Dahil kaya sa mga pakialamero/ra kaya nauwi sa hiwalayan ang kanilang pagsasama?

Awws.

Pero ang nakakataka ano bang pakialam nila kung nag-split sila? ‘Di naman mag-asawa sina Paolo at Yen? Mag-asawa nga naghihiwalay? 

vuukle comment

PAOLO CONTIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with