^

PSN Showbiz

KD, ‘di kayang pakawalan ang first love

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
KD, ‘di kayang pakawalan ang first love
KD Estrada at Alexa Ilacad

Maraming kanta na ang naisulat ni KD Estrada. Ayon sa singer-actor ay talagang si Alexa Ilacad ang nagsisilbi niyang inspirasyon upang makagawa ng magagandang awitin. “I have written many songs for her. But it is something I do not share with the world, not yet. Nobody has heard,” nakangiting bungad ni KD sa ABS-CBN News.

Hanggang maaari ay sinisikap ng binata mas mapaganda pa ang mga isinulat na kanta para kay Alexa. “When it comes to music and her, since she is a perfectionist, I want the song to be perfect, too. So I want to wait until it is good. As time goes on, my feelings just become deeper. It is stable. It increases,” pagtatapat ng singer-actor.

Kahit matagal nang naisulat ang mga kanta ay wala pa umano sa plano ni KD na mailabas para sa publiko ang mga ito.

Sa ngayon ay ang kanyang talento muna ang pinagtutuunan ng atensyon ng singer-actor. “I will continue to work on my music. It is my first love. I don’t want to let go no matter what happens to my career. It will always be something I will go back to. If it is this year, I will let you guys know,” pagbabahagi ng binata.

Ice, gustong linawin ang kalagayan ng LGBTQIA+

Mapapanood na simula June 29 hanggang July 7 ang Choosing na pinabibidahan nina Ice Seguerra at Liza Diño. Ayon sa singer ay talagang kaabang-abang ang naturang LGBTQIA+ community-themed na stage play at kung ano ang matutunghayan sa mag-asawa rito. “They have a complicated situation in their life. Nasa isang stage sila ng relasyon nila na malaking pagbabago ‘yung pinili nila kaya ‘Choosing.’ If you choose towards one direction a lot in the relationship is going to change. Or if you choose dito sa direction nito, whether if it’s about identity or sa next step sa pagkatao rin, iba rin ‘yung pupuntahan no’n. So it’s all about the choices you’re going to make in your life,” makahulugang paglalahad ni Ice.

Sa Power Mac Center Spotlight Blackbox Theater sa Circuit Makati mapapanood ang natu­rang play na isinulat mismo ni Liza.

Sa mahigit isang dekadang relasyon ay iba’t ibang kwento na umano ang nasaksihan ng mag-asawa. “Kami kasi ni Liza kilala kaming LGBT couple and blessed kami to have appearance sa mga shows and people would share their stories with us. Parang bigla silang nag-o-open up sa amin. Ang dami, throughout the years. We’ve been together for eleven years now. So imagine the trove of stories that we receive from people. Si Liza kasi, she’s an empath, so whether it be her experience or not, she can also easily relate to it,” paliwanag ng singer.

Para kay Ice ay mas mauunawaan ng mga manonood ng kanilang stage play ang kalagayan o sitwasyon ng mga kapatid nating miyembro ng LGBTQIA+ community. “Trans people has been around since the beginning of time, but it’s a topic that just been talked about ngayon. Kung ano ba ‘yung fear, we hate what we don’t understand, but I think that’s why stories like this are very important. Because of these stories, may makukuha kang same or shared experience. Like ako, for the longest time I really thought I was a lesbian. Sobrang weird for me, kasi bakit sila nag-e-enjoy ng two-way. Sobrang confused ako. But no’ng nalaman kong transman ako, nagti-tick lahat ng boxes na, ‘Ah, kaya pala, gano’n pala.’ For me, labels… hindi para ibigay natin sa ibang tao but ‘yung tao mismo maglagay sa sarili niya at maintindihan kung ano ‘yung sarili niya,” giit ni Ice. Reports from JCC

 

KD ESTRADA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with