^

PSN Showbiz

Nanood sa PETA, walang Etiquette?!

JUST ASKING - L. Guerrero - Pilipino Star Ngayon

Isang iritang-iritang nanood ng One More Chance noong Wednesday night ang nagpahayag ng disgusto sa kanyang experience kung saan sa ‘Act 2’ with matching photos ng mga taong bukas ang gadgets.

Ang sabi niya, “This was my view from “Ride Home” until the iconic “you had me at my best…” Wala akong ma absorb sa Act 2 until the end na nung nagkabalikan na si Popoy at Basha because there were 2 phones on full brightness and a freakin laptop! They weren’t gonna stop until I tapped their shoulder.”

Dagdag pa n’ya, “Ano ‘yun, Philippine Educational Theater Association (PETA)? When it’s a nobody, your ushers weave through the crowd to stop them but when it’s a celebrity and friends, dedma nalang? They were seated on the house seats so there was an usher beside them. On top of that, the short haired b***h had the audacity to look back, gave me a death stare and head to toed me. Not once, but twice! As in ang tagal ng stare niya!”

Sabihin na natin that these people really don’t have theatre etiquette coz clearly, none talaga!

“This is where I blame PETAs ushers! You’re not there to watch the show. May trabaho kayo! Bakit hindi niyo pinigilan? Bakit hindi niyo inisip the audience around these uneducated people?! I paid to see the show not fuckin gadgets! Worst theatre experience ever!!!”

Sinegundahan ito ng isang Juan Paulo Infante na ito ang sinabi nang mag-apologize ang PETA for the lapse ng kanilang ushers, “no need for the complimentary ticket as mentioned to your staff. We all know in theater that most of the people who watch just go in for one time. Our experience has already been ruined and we can’t take that back. Hope you can fix it so that others won’t experience it. I also gave your staff the name of the person using the laptop and also Ara Mina with her companion. I don’t know if you could do something about it but maybe educate them.”

Naku, naku, Ara, anyare?

Nandu’n din noong gabing ‘yun sina Angel Aquino at Rowell Santiago pero hindi sila kasama ng grupo ni Ara noong nanood.

Ang sabi tuloy ng ilan – baka akala nila concert ng Ben & Ben ang pinapanood kaya gadget-kete-gadget ang inaatupag.

Ang tanong: sa concert kaya ni Ara, ok lang sa kanyang magtiti-text ang mga taong nanonood?

Wala nang bago…

Sina Paolo Contis pa ba at Yen Santos?

Sana ipagpatuloy ni Paolo ang paggawa ng pelikula sa MAVX kung saan siya nakikipagco-produce. Sila pa ba ni Yen Santos?

Bakit sa Bubble Gang na lang napapanood ni Paolo?

Sila pa ba ni Yen Santos? Bakit nag-unfollow-han sila sa IG?

Sila pa ba ni Yen Santos?

May bago pa ba kay Pao?

Ruru, bibida sa isang major project ni Ricky Lee

Totoo bang ibi-build up talaga ng GMA Pictures si Ruru Madrid?

Sa wakas!

‘Yung mga nakaraan niyang pelikula ay mula sa ibang produksyon: Viva, APT at Rein.

Bakit hindi pa siya ginagawan ng pelikula ng GMA na siya ang bida lalo pa’t major hit ang kanyang Black Rider?

Ang good news ay, totoo bang si Ruru ang napipisil na gaganap sa isang major project ng GMA Pictures na isinulat ni Ricky Lee?

Ayyyy sa wakas, deserve na deserve ni Ruru ‘yan!!!

Nakakataquote:

“Bukod sa kaya naming ibigay na mga regalo, may mas malaki ka­ming kayang ibigay, ‘yun ay ang aming puso.” – Vice Ganda

 

PETA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with