^

PSN Showbiz

Dominic, ‘di raw kinaya ang lifestyle ni bea kaya nakipag-break?!; Ogie Et Al, naghain ng counter charge kay Bea

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Dominic, ‘di raw kinaya ang lifestyle ni bea kaya nakipag-break?!; Ogie Et Al, naghain ng counter charge kay Bea

Ang lifestyle diumano ni Bea Alonzo ang naging rason kaya nakipag-split sa kanya si Dominic Roque.

Nabuhay nga ulit ang intriga sa kanila pagkatapos na aminin ni Bea sa isang interview na si Dominic ang nakipag-split sa kanya.

Isang example na binigay ng source ay ‘pag nagta-travel daw ang mag-ex na ngayon.

Dapat diumano travel with style, business class and five star hotel lalo na at kailangan documented ito. Pero naging honest diumano ang actor at sinasabing hindi niya afford ang ganun pero ang sinasagot diumano ni Bea siya na bahala. Na ayaw daw ni Dominic ng ganun.

True kaya ‘to?

Sayang, sana pareho na lang silang nag-adjust.

Ogie Diaz 

Samantala, naghain na ng counter-affidavit si Ogie Diaz sa cyber libel complaint ni Bea.

Kasama ang kanyang abogadong si Atty. Regie Tongol at co-hosts sa kanyang YouTube show  na sina Loi Villarama (Mama Loi) at Wrena Lualhati, humarap si Ogie sa prosecutor para sa kanilang statement.

Bukod dito ay nag-file pala sila ng “affirmative defense on improper venue.”

“We filed an affirmative defense of improper venue. Alam naman natin na since 2022, sinabi na ni Bea na she’s a legal resident ng Spain.

“Kaya naman kung sasabihin niya na siya’y legal resident na ng Spain, then hindi na siya sa Quezon City actually nagre-reside,”  ayon sa abogado ni Ogie.

May inihain ding counter-charge si Mama Loi kay Bea at kasong perjury.

“Dahil sinabi niya ‘yun, nag-file din si Loi Villarama ng counter charge na perjury, kasi obvious na obvious na nagsisinungaling siya sa kanyang complaint affidavit na sinabi niya na rito siya naka-reside sa Quezon City,” paliwanag ng legal counsel nina Ogie and company.

Sinabi pa ng abogado nila Ogie na lalaban sila. “Our clients will fight this case with courage because they have no malicious intent and the thirty million pesos (P30,000,000.00) damages being asked by Ms. Bea Alonzo in her complaint is not only unjustified and unreasonable but is also exorbitant.”

Tiyak na may sagot dito ang legal team ni Bea.

Ang sabi, mas mabilis ang proseso ng cyber libel kesa sa traditional libel case na umaabot ng sampung taon.

Yup, may ganung kaso ang libel, isang dekada.

Well, hintayin natin, baka naman may chance pang magkaayos sila.

BEA ALONZO

DOMINIC ROQUE

OGIE DIAZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with