^

PSN Showbiz

Writer/Director Armando ‘Bing’ Lao, pinangunahan ang pagpanaw

JUST ASKING - Leon Guerrero - Pilipino Star Ngayon
Writer/Director Armando �Bing� Lao, pinangunahan ang pagpanaw
Armando “Bing” Lao

Namaalam na ang mahusay na writer na naging direktor din na si Armando “Bing” Lao.  Muli mara­ming nag-unahan na netizens sa pagpapaabot ng pakikidalamhati. Pero sana, hindi na muna pina­ngunahan ang pamilya, ‘di ba? May prize o pabuya ba kapag nauna?

Pepe at Vince, salpukan sa himala!

Umuugung-ugong ang balitang may dalawang Himala musical movies na sinubmit for consideration sa darating na Metro Manila Film Festival. Isa ay kay Vince Tañada (Katips at Ako Si Ninoy) at ang isa ay kay Pepe Diokno (GomBurZa, Above The Clouds at Engkuwentro).

Alin ang mas maganda? Alin ang mas may commercial viability? Alin ang mas may good track record?

Exciting ang darating ng 50th MMFF!

Arci, lusot ang hair extensions sa military?!

Congratulations kay Arci Muñoz na bagong Air Force reservist.

At least there is a growing number of showbiz personalities na nagte-train magsilbi sa bayan bilang military reservist.

I wonder kung ano ang stand nila sa intrusion ng China rito sa ating bansa at sa rami nila at laki ng impluwensiya, ano kaya ang opinyon ng mga ito sa pagiging posibleng security threat nila?

At isang petty na tanong kay Arci, pinapayagan ba ang hair extensions sa military? Wala lang, kasi kilalang mahilig sa hair extensions si Arci.

Willie, hindi pa handa

Bakit kaya pinatapos na ang Barangay Singko Panalo gayung maganda na sana ang takbo nito at sana iniurong na lang  ang timeslot?

Tuloy, hindi pa pala handa ang papalit na show ni Willie Revillame kaya ayun, nganga, hanggang end of month lang ang naibangko raw ng production.

Sayang, nagtuluy-tuloy pa sana ang show na ito na talagang promising na!!!

Nakakataquote:

Andres, certified NGSB!

“I have actually never had a girlfriend in my whole life.” – Andres Muhlach, certified no girlfriend since birth

vuukle comment

SHOWBIZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with