Christian, nireklamo ang crematorium dahil sa ginawa sa kanyang aso
Grabe nawindang naman ako sa panawagan ang aktor na si Christian Bables isang memorial chapel / crematorium dahil sa diumano’y pagmamaltrato at pagpapabaya nito sa kanyang pinakamamahal na aso na pumanaw noong Hunyo 15.
Kaloka.
Kuwento ni Salve na nabasa niya na may sulat pa ang mga abogado ni Christian na humihingi ng public apology.
Hindi raw kasi kaagad inasikaso ang alagang asong ni Christian na si Hope na namatay samantalang nagbayad na siya ng P1,000 para kunin ang katawan nito pero inabot pa raw ng ilang oras ang kanyang paghihintay bago nakuha si Hope.
At ang pinaka-malala raw, hindi pa handa ang kanyang asong pumanaw nung puntahan niya sa ‘viewing’ sana o lamay.
Sabi raw ni Christian sa inteview ng AB-CBN.com, “Nakabalandra lang dun hindi man lang inayos ang panget sa pakiramdam ‘yun kasi last time makikita ‘yung someone I dearly love, alam ko hindi lahat maintindihan nararamdaman ko. Pamilya ko kasi ‘yun malaki siyang part ng support system ko.”
Pakiramdam daw ni Christian ay hindi binigyan ng tamang respeto ang alaga niyang aso.
“I think its about time to speak up that animals of all kinds and sizes should be treated with enough respect and decency buhay pa man na kasama natin o namayapa na. Alam ko marami ding fur parents makaka-intindi ng nararamdaman ko ngayon. This is to place awareness na sana wala na furparent or furbabies na makaranas ng ganito.”
May point naman si Christian, pero ba’t naman kailangang may lawyer pa?
Ba’t di na lang niya kinausap ng maayos ‘yung may-ari ng crematorium?
Grabe rin ang pagmamahal ko sa mga aso.
Pero hindi na kasing rami noon ang mga alaga ko ngayon.
Siyempre, may mga namatay na rin dahil sa katandaan.
At masakit talaga sa puso na mamatayan ng alaga. Para kang nawalan ng anak kaya nakikisimpatya ako kay Christian.
Pero ‘yun nga, kailangan pang umabot ito sa abogado?
I’m sure pro bono ang abogado ni Christian.
Sana naman ay maayos ang usaping ito.
Gusto ko rin nga palang itanong kay Christian kung totoong magkakaroon na siya ng career sa Hollywood?
Ang chika ni Salve, may management group na raw ito doon sa Amerika.
Wow, bongga siya kung totoo ito.
Goodluck to him at hihintayin ko na magkaroon siya ng project sa Hollywood.
Bongga. As if magkakilala kami.
Hahahaha.
- Latest