^

PSN Showbiz

Ang lungkot... Xian at Joshua, ‘di nakapalag sa cartoon movie

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Nakakalungkot talaga ang nangyayari sa mga pelikula natin.

Sinisikap naman ng film producers natin na mapaganda ang pelikula natin, pero hindi pa rin tinangkilik sa mga sinehan.

Holiday noong Miyerkules, Philippine Independence, at napuno ang malls.

Nasa labas ang mga tao at karamihan ay nanood ng pelikula, pero hindi local film.

Mga foreign film pa rin ang gusto nilang panoorin na katapat ng local films na Playtime at Fruitcake.

Parehong R-16 ang ra­ting na ibinigay ng MTRCB sa dalawang pelikulang ito kaya limitado ang mga manonood.

Mahina ang first day ear­nings sa mga sinehan, pero ang pelikulang Inside Out 2 ay talagang pinilahan nang bonggang-bongga.

Nag-post nga si Atty. Joji Alonso ng Quantum Films sa kanyang Facebook account na umabot daw ng halos P90M ang kinita nitong Inside Out 2 sa unang araw ng showing pa lang.

Umabot na raw ng P39M ang total run ng Thai film na How To Make Millions Before Grandma Dies na palabas pa rin sa SM cinemas.

Kaya kapag gusto talaga ng mga tao ang pelikula, gumagastos sila para panoorin ito.

Sabi nga ni Atty. Joji, “So people do watch films that they like. Regardless of ticket prices. What’s next for Filipino films?”

Kaya nga sinasabi rin sa amin ni Sylvia Sanchez na tuloy pa rin daw sila sa pagpo-produce at pag-distribute ng pelikula kahit wala pang pag-asa sa mga sinehan. “Sa theatrical, mahina talaga. Bihira talagang kumita ang mga movie ngayon sa theatrical, except Metro Manila Filmfest.

“E itong pagpo-produce ko naman ang target ko, hindi naman theatrical e. Kundi iba-ibang platforms. Kasi amin ‘yung pelikula na kami distributor. Amin for 7 years. Basta maganda lang ‘yung movie mo, kaya mong ibenta ‘yun,” saad pa ni Sylvia.

Pero ang hanash naman ni direk Mark Reyes na director ng Playtime, “If Pinoys give local films a chance, and stop the toxicity of equating their personal biases on the personal lives of celebrities from their movie projects.”

Kaya ganun pa rin talaga ang usapin kung ano talaga ang nararapat gawin para lang mapalakas ang ating pelikula sa mga sinehan.

Samantala, hindi lang sa streaming service sinisisi kung bakit lalong humihina ang mga pelikulang local sa mga sinehan. Piracy pa rin pala ang isa sa dahilan.

Ito ang hinaing ng mga taga-Optical Media Board dahil mas matindi raw ngayon ang pamimirata ng mga pelikula natin. Hindi na kasi ‘yung pagbebenta ng mga DVD sa Quiapo, kundi online na.

‘Yun ang ibinunyag sa amin ni Paolo Paraiso na tatlong taon na palang board member ng OMB. Aniya, “Akala nila porke’t wala na tayong nakikitang DVD na pirated ay patay na ang piracy. Kasalungat nga ‘yan, kasi ngayon mas marami ang namimirata. Mas madali magpirata ngayon. Magpadala ka lang GCash sa isang number at papadalhan ka na nila ng Google link ng lahat na pelikula nandun na.

“So, mas nakakatakot at mas rampant ang pagpipirata ngayon. Nakakalungkot actually. Online na e.”

Sa ngayon ay nahirapan pa raw talaga silang sugpuin ito dahil mas mahirap matuloy ang mga pirate online.

PELIKULA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with