^

PSN Showbiz

Albie, idinisplay ang anak!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Albie, idinisplay ang anak!
Albie Casiño at baby Roman
STAR/File

Nilantad ng aktor na si Albie Casiño ang anak.

Ipinost nga nito ang video kung saan sinalubong siya ng isang babae na may dalang bata at nilantad nga nito na tatay na siya.

Mag-ina niya pala ang babaeng sinalubong niya at lutang ang saya niya nang makita ang dalawa.

“A great man told me “being a dad has no days off and retirement” I wouldn’t have it any other way. I finally got to meet my son. Hello Roman Andrew the world is yours little man,” caption niya sa kanyang post.

Makikita ang pagka-miss niya sa mga ito nang halikan niya agad ang girlfriend pagkakita at kinuha ang baby sa nanay nito at kinarga.

Nag-alala naman ang netizens dahil halata raw nag-a-adjust pa ito sa pagiging tatay at hindi pa marunong humawak ng baby.

Pinayuhan nila ito na hawakan nito ang likod ng baby dahil newborn pa ito.

Pero nagtaka naman ang mga tagahanga nito kung bakit ngayon lang nito nakita ang anak.

Ibig daw bang sabihin nito ay wala ito nang manganak ang girlfriend kung saan pinakamahirap na stage raw para sa babae?

Pero kinontra naman ang nagtanong tungkol doon dahil mukhang wala naman daw issue sa dalawa.

Samantala, kung ngayon lang nalantad ang pagiging ama nito, mukhang hindi ito sikreto sa kanyang mga katrabaho dahil nagkomento ang mga ito ng kanilang pagbati na halatang matagal na nilang alam ang tungkol dito.

Gaya na nga lamang ng sinabi ni Darren Espanto na maaari na raw nila itong pag-usapan publicly ngayong nilantad niya na ito.

Ganon din ang sinabi ni Ruffa Gutierrez na “not a secret anymore, Ahia” na nakatrabaho rin nito sa seryeng Can’t Buy Me Love, at pati rin si Agot Isidro.

Sunod na ipinost ni Albie ang litrato nila ni Baby Roman na magkatabi silang natutulog.

Pero tanong ng netizens, kelan daw kaya ang kasal nila? Bongga.

vuukle comment

ALBIE CASIñO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with