Big Bird ni Enrique pulos t-t- ang usapan, ‘di kinaya ng mga nasa bahay
Well, kanya-kanyang judgment o hatol ang panonood ng pelikula kaya kung may mga nagandahan sa humor ng pelikulang I Am Not Big Bird ni Enrique Gil, meron namang ‘di ito na-appreciate.
Kasalukuyan itong napapanood sa isang streaming platform.
Sa totoo lang, nang umpisahan itong panoorin ng isang kasama namin sa bahay, hindi niya natagalan.
Nawalan daw siya ng gana dahil pulos t-t- ang binabanggit.
Feeling niya, wala kang mapupulot na katiting na aral man lang o mag-e-enjoy.
Kaya agad-agad niyang itinigil at itinuloy na lang ang sinimulang old Hollywood film.
Sayang na sayang daw.
Tanong din niya, ganun ba dapat movie ang naging comeback ni Enrique Gil?
Kung ganito raw pelikula ang ipapalabas sa mga sinehan, mahihirapan ngang bumalik ang mga manonood.
Sana naman daw, gandahan ng mga local filmmaker ang mga pelikulang ginagawa nila para maengganyong magbayad sa sine ang mga kababayan natin upang bumalik sa dating sigla ang ating industriya.
Awsss.
Pero ‘yun nga hindi naman lahat ay ganun ang dating sa panonood nila ng I Am Not Big Bird, ang iba ay nagandahan at nakuha ang ibig iparating ng kuwento nito.
- Latest