^

PSN Showbiz

Para sa Pride month contestants ng tawag...nagsama-sama sa ‘bilang’

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Para sa Pride month contestants ng tawag...nagsama-sama sa �bilang�
Boy Abunda

Nagsama-sama ang dating Tawag ng Tanghalan contestants na sina Anton Antenorcruz, Raven Heyres, at Saga para sa call for unity sa LGBTQ+ community ngayong Pride month sa  kanilang kanta na Bilang na isinulat at prinodyus ng King of Talk na si Boy Abunda.

Isang disco-pop song ang Bilang na handog ng Star Music at nagsisilbi ring apila sa lipunan para kilalanin, tanggapin, at pakinggan ang LGBTQ+ people.

Ito ang unang single ng tatlong power belters na magiging bahagi ng espesyal na EP na Say It Clear, Say It Loud na binubuo ni Boy sa ilalim ng Star Music label at magsisilbing kauna-unahang Pride EP na ilalabas sa bansa.

Pagkatapos sumali sa TNT sa It’s Showtime, unti-unti nang nakikilala sina Anton, Raven, at Saga dahil sa kanilang strong vocals at bigating performances nitong mga nagdaang taon.

Ipagdiwang ang Pride 2024 sa  Bilang, na napapakinggan na ngayon sa iba’t ibang music streaming platforms.

Former beAuty queen, P1 million ang TF sa pagho-host

Over acting palang mag-charge ang former beauty queen for hosting.

One million for two hours.

Nawindang daw ang isang talent coordinator nung ganung halaga ang i-presyo sa kanya nang mag-inquire siya para sa isang hosting job sa beauty queen.

No wonder walang masyadong work ang former beauty queen.

Pulos posting sa social media ang kumbaga raket niya.

Meron kayang nagbabayad nang ganung halaga sa former beauty queen para mag-host sa isang event?

vuukle comment

BOY ABUNDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with