^

PSN Showbiz

Belle, winner ang ‘feeling’ sa 22nd birthday

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Belle, winner ang �feeling� sa 22nd birthday
Belle Mariano

Ang bongga naman ng favorite kong si Belle Mariano nang mag-celebrate siya ng 22nd birthday kahapon.

Talagang dumagsa ang bumati sa kanya lalo na nung mag-post siya ng magaganda niyang pictures.

Ang sexy niya sa post niyang “i don’t know about you , but I’m feeling… ”

Sa totoo lang, hindi nawawala ang admiration ko kay Belle.

Para kasing ang bait-bait niya at walang attitude.

Classy ang beauty at hindi mahilig umarte sa mga post.

Kasama rin ako sa mga kinilig sa post ni Donny Pangilinan na photos nila ni Belle. “Happiest birthday Tinky!!! :)  - your opisyal putograper.”

Kuwento sa akin ni Salve, nag-iyakan daw ang ibang fans dahil parang pakiramdam nila ay totohanan ang magiging ending ng loveteam nila.

Sana nga, talagang iwi-wish ko ‘yan. Ang mauwi sa totohanan ang kanilang loveteam.

Suwerte nila sa isa’t isa pag nagkataon.

Pag napapanood ko si Donny ay ramdam ko ang kabaitan niya at pagiging gentleman.

Hay ang sarap sigurong maging bagets ulit at ma-in love. Hahahaha.

Pulang Araw, hindi agad ipalalabas sa GMA

Aabangan ko ang bagong teleserye ng GMA 7 na Pulang Araw na pinagbibidahan nina Barbie Forteza, Sanya Lopez, David Licauco, and Alden Richards with Dennis Trillo.

Isa itong historical action-drama na sa isang streaming platform mauunang mapanood sa July 26.

Pero kelan kaya ito mag-uumpisang mapanood sa GMA 7?

Siyempre, hindi subscriber ng kahit anong streaming platform ang inyong Lola Lolit. TV at dyaryo lang talaga ako. Lumang tao ang peg ko. Hindi ako nakikiuso na sa totoo lang ay marami pa kami.

Kaya nga nagugulat ako pag sinasabi nilang wala nang nanonood ng TV o nagbabasa ng dyaryo..

Mga sinungaling, marami kami noh. Loyalista ako ng TV at dyaryo.

‘Yun lang at babu.

vuukle comment

ACTRESS

BELLE MARIANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with