^

PSN Showbiz

Pagiging farmer ni Goma, ginagagawan ng intriga

JUST ASKING - Leon Guerrero - Pilipino Star Ngayon
Pagiging farmer ni Goma, ginagagawan ng intriga
Congressman Richard Gomez

Bakit ginagawang issue ang hindi pagpapagupit ni Congressman Richard Gomez?  Kesyo masyado raw naman niyang in-internalized ang kanyang pagiging farmer at politiko sa probinsya.

Parang kebs naman ni Goma ‘di ba? Tutok nga talaga siya sa trabaho niya bilang ­Congressman ng distrito niya.

Marahil marami lang ang nakaka-miss sa kanya sa showbiz.

Mukhang backseat na muna ang pag-aartista, bayan muna!

Trina, hindi pa nakaka-move on

Bakit kaya may mga post ang ex gf ni Carlo Aquino na si Trina na ikinokonek sa kanyang pagpapakasal?

Sa panahon ngayon, careful na lang sa mga post kasi naiiba ang interpretasyon ng mga tao. Nabibigyan tuloy ng meaning lalo pa ang timing. Kapag ganyan kasi, kung galing ka sa maganda at masayang estado, happy at good vibes na lang. Sana maka- move on at move forward na ang lahat! May happiness and true love find us all, huwaw!!!

Cogie, may scandal

May scandal daw si Cogie Domingo? Ano namang scandal ‘yun? Throwback scandal? Bakit tila nagsusumiksik ang mga ganyang content sa social media ngayon? Wala na bang bagong pang-aliw? Puwede bang patahimikin na lang ang buhay ni Cogie kung nasaan siya ngayon.

Nasaan na nga ba si Cogie? ‘Yan ang mas mahalagang tanong siguro.

Nikko, mas malalim ang hugot kay vice

Bakit hindi tumitigil na maglabas ng pahayag ang dating Hashtag member na si Nikko Natividad about his  deleted post na may kaugnayan sa isyu nina Vice Ganda at mga guests nito sa segment na  EXpecially For You?

Bakit kaya ganun na lang katindi at karubdob ang pakiramdam niyang pang-aapi at pagkahiya?

Or may iba pa bang hugot si Nikko kay Vice? If ever, ano naman kaya ito?

Nakakataquote :

“Ang maipapangako ko, kapag may mga araw na hindi pantay ang pagmamahal, hindi ko pa rin makakalimutan na mahalin ka, pahalagahan ang pagkatao mo, at ingatan ang puso mo.“ — Carlo Aquino to Charlie Dizon

vuukle comment

ACTOR

RICHARD GOMEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with