^

PSN Showbiz

Carlo at Charlie, ‘di nagpapigil sa kasal!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Carlo at Charlie, �di nagpapigil sa kasal!
Charlie Dizon at Carlo Aquino.
STAR/ File

Hindi makatanggi si Charlie Dizon nang nakorner namin sa 47th Gawad Urian na ginanap sa Henry Sy Sr. Hall ng De La Salle University sa Taft, Manila noong Sabado.

Narinig kasi naming may sinabihan ang director nilang si Dwein Ruedas Baltazar na kasal daw nina Charlie at Carlo kinabukasan.

Si Charlie ang nagwaging Best Actress para sa magaling niyang pagganap sa pelikulang Third World Romance.

Bahagi ng kanyang acceptance speech  ay, “kung hindi nyo lang po alam, sobrang gandang regalo po nito sa akin ngayon!”

Nagdududa na kami kung para saang regalo, dahil habang ginaganap ang awarding ay usap-usapan na roon na nakatakda na raw silang ikasal ni Carlo Aquino kinabukasan.

Bale Linggo, ito kaya inabangan namin kahapon ang balitang kasalan nilang dalawa.

Inalay ni Charlie ang kanyang award sa kanyang magulang na nandito raw ngayon. Dumating daw sila galing Amerika.

Kaya pagkatapos ng awarding ay kinorner na namin si Charlie at diretsahan na naming tinanong, ‘yung sinasabi ba niyang ‘magandang regalo’ na ito ay ‘wedding gift’ sa kanya.

Natawa si Charlie na sinagot kaming “Hehehe, abangan n’yo po! Ang masasabi ko lang, best gift siya. Kaya thank you, Lord!”

Kinulit pa uli namin ang aktres kung gaano ba siya ka-excited sa malaking event niya bukas. Patanong ang sagot sa amin kung ano ba ang meron bukas, at kaagad naming sinagot ng “wedding siyempre!” “Wedding n’yo po ba?” pakli niya.

“Sa inyo na po galing ‘yan, thank you so much,” sagot niya uli sa sinabi naming double celebration ito para sa kanya.

Doon sa sinabi niyang nandito ngayon ang magulang niya, ay tinanong namin bakit nandito. “Dahil gusto po nila,” game na game pa rin niyang sagot, na mabuti at hindi napipikon sa pangungulit namin.

Kaya sinabi ko nang naintindihan naman namin kung hindi pa siya ganun ka-comfortable na sagutin ang mga tanong naming ‘yun.

Congratulations kay Charlie at sa iba pang winners ng Gawad Urian na sina Romnick Sarmenta bilang Best Actor ng pelikulang About Us But Not About Us, Dwein Baltazar ng Third World Romance bilang Best Director, Ronnie Lazaro bilang Best Supporting Actor, Dolly de Leon bilang Best Supporting Actress, at ang nagwaging Best Picture ay ang animated film na Iti Mapukpukaw.

Sa mga nominado sa Best Actress ay tanging si Kathryn Bernardo lang ang hindi nakadalo. Maaring nasabihan na siyang hindi siya ang magwawagi dahil ang dinig namin ay nakatanggap daw ng email ang winners na kailangan nilang dumalo para tanggapin ang kanilang award.

Saka baka sumunod sila sa pamahiing hindi na dapat sila magkita o magsama bago ang kanilang kasal.

Ilang oras lang ang lumipas ay nag-post na si Carlo sa kanyang Instagram account na binati si Charlie sa pagkapanalo nito sa Urian.

Ipinost nito ang litrato na kuha nilang magkahawak-kamay. Maiksi lang, pero touching ang nasa caption na mensahe nito para kay Charlie.

Aniya; “Unti-unti natin gagapangin ang buhay ng nakatawa @charliedizon.”

Sinagot naman ito ni Charlie ng “I love you (teary eyed at heart emoji).”

Ayon sa iba pa naming napagtanungan, talagang purisigido raw si Carlo na pakasalan na si Charlie.

Pinapayuhan pa raw ng ilang taong malapit sa dalawa na pag-isipan munang mabuti, huwag padalus-dalos dahil wala pa yatang dalawang taon ang kanilang relasyon.

Pero talagang nakita na raw ni Carlo kay Charlie ang katangian ng isang babaeng gusto niyang makasama forever.

Kaya nagpasabi na sila ilang malalapit na kaibigan na ngayong buwan ng June ang kasal nilang dalawa, pero simple lang daw at mga pamilya ang magiging bahagi nito.

vuukle comment

CARLO

CHARLIE DIZON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with