^

PSN Showbiz

Miles, ayaw nang pag-usapan ang balikan nila ni Elijah

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Miles, ayaw nang pag-usapan ang balikan nila ni Elijah
Elijah Canlas at Miles Ocampo

Maganda ang pakikitungo sa isa’t isa ng dating magka­sintahan na sina Miles Ocampo at Elijah Canlas. May bulung-bulungan na nagkabalikan na umano ang dalawa dahil madalas pa ring nagkakausap at nagkakasama. “We’re happy, that’s all I want to share because both of us are happy. With everything that has happened, we prefer to keep things quiet,” bungad ni Miles.

Simula bukas ay mapapanood na sa TV5 ang Padyak Princess na pinagbibidahan ng aktres. Para kay Miles ay hindi na muna dapat pag-usapan ang tungkol sa estado ng kanilang relasyon ni Elijah. “I’m very careful because I don’t want people to think I’m using it to promote my show. I just want to say that we’re very happy right now. Whatever happened between us, let it stay between us,” paliwanag ng dalaga.

Ayon kay Miles ay mas mabuting hindi na ipaalam sa publiko ang lahat tungkol sa kanilang personal na buhay ni Elijah. “I feel that not everything needs to be known. As long as you can see that we’re happy. We’re not stingy because whatever we can share, we will share. But for now, we’re happy,” giit ng aktres.

Kim, binura na si Xian

Mayroong mga pagkakataon na naibabahagi ni Xian Lim sa publiko ang tungkol sa nakaraan nila ni Kim Chiu. Matatandaang tumagal ng 12 taon ang naging relasyon ng dalawa bago tuluyang nagkahiwalay bago magtapos ang 2023. Para naman kay Kim ay mas mabuti nang hindi na ungkatin pa ang naging relasyon nila ni Xian.

Binura rin ng aktres sa Instagram ang mga larawan nila ni Xian bilang bahagi ng kanyang pagharap sa bagong kabanata ng personal niyang buhay.

Umaasa si Kim na hindi na muling gagawin ni Xian na magbigay ng pahayag tungkol sa kanilang ugnayan noon. “It ended, the journey was beautiful. Ayaw ko nang maging masama ‘yung loob ko. Kasi paulit-ulit na lang. Let’s give it a rest and let’s leave respect to each other,” emosyonal na giit ng dalaga. — Reports from JCC

ACTOR

ACTRESS

ELIJAH CANLAS

MILES OCAMPO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with