^

PSN Showbiz

Jericho, pang-promo ang date kay Janine?!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Jericho, pang-promo ang date kay Janine?!
Jericho Rosales at Janine Gutierrez

Spotted diumano ang aktor na si Jericho Rosales at aktres na si Janine Gutierrez na magkasamang manood ng sine.

Kumalat nga ang larawan ng dalawa nang mag-post ang isang netizen na nakita raw niya ang dalawa sa Power Plant Mall.

Bumili pa raw ang mga ito ng snacks at mano­nood daw ng sine. Mukhang nagde-date raw ang mga ito.
Hindi raw alam ng netizen na may connection daw ang mga ito at kung nagde-date raw ba talaga ang mga ito o friends lang naman?

Wala namang masama kung sakaling mag-date sila dahil pareho naman single ang dalawa.

Maaalala ngang kay Paulo Avelino huling na-link ang anak ni Lotlot de Leon pero walang silang inamin sa kanilang relasyon.

Habang si Jericho naman ay huling na-link kay Kathryn Bernardo na inakala ng netizens na nanliligaw na ito sa aktres pagkatapos ng hiwalayan nila ng asawang si Kim Jones.

Nagkaroon naman ng shippers sina Janine at Jericho.

Pero meron ding nag-nega sa kanila at sinabing mahilig daw si Janine sa may anak na na huling na-link kay Paulo.

Pero ba’t ganun. Wala bang pwedeng magtanong kina Jericho at Janine? Talaga bang dapat nakadepende na lang sa post?

Samantala, tingin naman ng ibang mga tagahanga ay promo lang ito para sa bagong teleserye na pagsasamahan nila na Lavender Fields kung saan makakasama rin nila si Jodi Sta. Maria.

Tinawag pa ng bashers na promo king ang aktor na kung kelan daw tumanda ay saka naging mahilig sa pag-promo.

Ganito rin daw kasi ang ginawa nito sa ex ni Daniel Padilla na nagkokomento noon sa mga post ni Kathryn at nakikita nga rin silang magkasama matapos niyang sabihin na gusto niyang makasama ito sa proyekto.

Pero ano nga kayang meron sa kanila ni Janine? Bongga.

vuukle comment

ACTOR

ACTRESS

JANINE GUTIERREZ

JERICHO ROSALES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with