^

PSN Showbiz

Sarah, sinagot si Annabelle?!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Sarah, sinagot si Annabelle?!
Sarah Lahbati at Kyline Alcanara.
STAR/ File

Kung kahapon ay nag-trending si Annabelle Rama tungkol sa diumano’y may pasaring siya sa dating manugang na si Sarah Lahbati, ngayon naman ay may bagong TikTok video ang ex-wife ni Richard Gutierrez.

Nag-post si Sarah kasama ang kapwa actress na si Kyline Alcantara na may caption na “are you tchretend?! @kyline alcantara.”

Gumawa nga sila ng video kung saan nag-uunahan silang magbigay ng spaghetti sa boys at sinabi ni Sarah na may voice over na “are you competing with me?” at sinagot naman ni Kyline ng “are you threatened?”

Maaalala nga kasing nag-post si Annabelle tungkol sa hindi niya paglaban kay Barbie doll at ang gusto raw niyang makalaban ay si Chucky. Wala siyang pinangalanan pero alam na raw ng mga makakabasa kung sino ito.

Tingin nga ng netizens ay boto raw ito sa diumano’y bagong girlfriend ng anak na si Barbie Imperial.

Common knowledge nga na tila hindi sila ok ng nanay nina Zion at Kai.

Kaya naman naisip agad ng netizens na ito raw diumano ang sagot nina Sarah at Kyline sa pinost ni Annabelle.

Napakomento nga ang netizens kung pa-shade nga ba ito at sinang-ayunan ng ibang fans at sinabing ‘subtle yet so classy’ at may common denominator nga raw ang dalawa.

Maaalala kasing nasangkot din sa intriga si Kyline kung saan nagpasaring diumano sila ng nanay ng kanyang ex na si Mavy Legaspi na si Carmina Villarroel sa kanilang cryptic posts.

May mga nagtanggol naman kina Sarah at Kyline at sinabing ‘wag na raw mag-overthink. Mukhang hindi naman daw gagawin ng mga ito na mag-shade sa kahit sino at maaaring nagkakatuwaan lang at wala namang balak manakit ng iba.

Naaliw nga sila sa mga ito at ganon lang dapat na light bardagulan lamang.

‘Kaloka. Iba na talaga ang panahon ngayon.

Sa social media na sila naglalabas ng kung anu-anong bagay.

Bongga.

vuukle comment

ANNABELLE

RICHARD GUTIERREZ

SARAH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with