^

PSN Showbiz

Alfred, nilinaw ang kalagayan ni Nora

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Alfred, nilinaw ang kalagayan ni Nora
Alfred Vargas

Contrary sa mga naglalabasan na hindi maayos ang kalagayan ni Nora Aunor sa kasalukuyan, sinabi ni Alfred Vargas na ok ito at lagi silang nag-uusap. “Ok na ok siya,”  sabi ng aktor/pulitiko sa ginanap thanksgiving presscon niya for the entertainment press.

“She’s ok naman. She’s happy at nagpadala siya ng congratulatory message sa akin,” paglilinaw pa ni Alfred na isang konsehal sa QC.

Sinabi rin niyang maganda ang naging working experience niya kay Ate Guy: “Ang bait-bait niya. Never siyang na-late, saka never niyang pinaramdam sa amin na Superstar siya. Ang ganda ng experience ko,” paglilinaw niya tungkol sa laging isyu sa aktres.

At kung may mga intriga man daw na ‘di mada­ling katrabaho ang Superstar, wala siyang ganung karanasan sa award-winning actress. “Actually naging close na rin kami, and siguro, masasabi ko na isa ako sa mga gusto niyang co-actors,” sabi pa ni Alfred na pinagdiinang hindi bayad ang Best Actor trophy niya sa FAMAS.

Nanalo nga siyang Best Actor para sa pelikulang Pieta at naka-tie niya si Piolo Pascual.

Aside from Nora kasama niya rin sa pelikula sina Gina Alajar and the late Jaclyn Jose na pakiramdam niya ay malaki ang naitulong para maibigay niya rin ang husay niya sa pelikula.

vuukle comment

ALFRED VARGAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with