^

PSN Showbiz

Annabelle, boto kay Barbie?!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Annabelle, boto kay Barbie?!
Barbie Imperial

Aprubado raw diumano ni Annabelle Rama ang rumored girlfriend ng anak niyang si Richard Gutierrez ang aktres na si Barbie Imperial.

Nag-post ang nanay nila Ruffa Gutierrez na hindi raw niya lalaban kay Barbie doll na maganda, maputi at makinis. Ang gusto raw niyang makalaban ay si Chucky na walang binanggit na pangalan.

“Hoy!! Yung walang magawa sa buhay tumahimik na kayo.

“Kasi si Annabelle Doll hindi lalaban kay Barbie Doll maganda, maputi at makinis. Ang gusto makalaban ni Annabelle Doll si Chucky . Alam nyo na kung sino yun HAHAHA happy kana!?” post niya na tila may pinasasa­ringan.

Common knowledge na hindi naging maganda ang hiwalayan nina Richard at dating misis nitong si Sarah Lahbati bagama’t tahimik sila sa dahilan ng kanilang hiwalayan.

Maaalala ring pati ang mga magulang nila ay may mga parinigan diumano sa kanilang mga post.

Si Annabelle rin ang naging dahilan kaya nakumpirma ng mga marites na may pinagdaraanan ang dating mag-asawa kung saan sinabi niyang hindi sila on good terms ng dating manugang.

At ngayon nga ay ilang beses nang namamataan sina Richard at Barbie na magkasama sa iba’t ibang lugar gaya ng Amanpulo, at South Korea kung saan kumalat ang mga litrato nila.

Pero base sa post ni Annabelle, tila boto siya sa bagong karelasyon ng anak na nag-post kamakailan ng litrato niya kasama ng isang lalake sa gym na kamukha ni Richard.

Kaya mukhang unti-unti na raw nagso-soft launch ng kanilang relasyon si Barbie.

Ang mga marites naman na nakabantay ay sinabing ganon din daw ka-sweet si Annabelle kay Sarah noon.

Enjoy nga sila at tinututukan ang mga pasabog ni Annabelle. Bongga.

vuukle comment

BARBIE IMPERIAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with