^

PSN Showbiz

Showbiz couple na ‘di pa masyadong matagal ang relasyon, tuloy ang kasal!

JUST ASKING - L. Guerrero - Pilipino Star Ngayon

Una niyong nalaman ito rito. Malakas talaga ang balita na ikakasal ng dalawang magagaling na artista this weekend.

Ang tanong tuloy ba? Oo raw!

Paano ‘yun, may public appearance pa ba sila before the wedding? Not sure kung a-attend pa sila ng Urian awards night bukas kasi of course, nalalapit na ang wedding. Talaga?

Oo! Tuloy na tuloy ang kasal – na akala lang natin wala, wala, pero meron, meron!!!

Ken, ‘di nakasundo ang business partner

Nasa’n na ang resto ni Ken Chan sa Eastwood pala? Maraming naghahanap doon at ano nang nangyari doon sa partner niya dun sa business?

Parang mas ok siguro na magtayo na lang si Ken ng business na sarili niya, at susuportahan siya ng mga kaibigan niya – dahil hindi lahat ng mga ito ay kasundo ng partner niya noon daw.

Lani, walang bagong ganap

Ang saya na ‘yung mga totoo at natitira nating Divas  like Zsa Zsa Padilla, Regine Velasquez at Kuh Ledesma ay naglalabasan ng mga bagong kanta na available sa streaming. Ang Divine Diva, merong ‘Pag Tinadhana na susundan pa ng iba pang singles leading up to her anniversary concert.

Si Asia’s Singbird merong Ulit Ulit na theme song ng Pamilya Sagrado at may Reginified album. Si Pop Diva meron ding Walking On Water na kanta ni Cecile Azarcon.

Kailan naman kaya ang ating Nightingale na si Lani Misalucha?

Sana kapag malapit nang umere ang bagong season ng The Clash maglabas din siya. Para masaya!

Eva Darren, papasok sa Quiapo

Bago pa man bigyan ng nararapat na parangal ng The Eddys sa July 7, maagap ang GMA Public Affairs at pinag-taping na si Eva Darren para sa Wish Ko Lang para sa isang natata­nging pagganap. May mga kasunod pa kayang mga assignment ito? Sana!

Matutuloy ba ang hula ng tao na ipapasok siya sa Batang Quiapo? Kung matuloy man, baka later pa dahil naglilimayon pa ang magsing-irog na Coco Martin at Julia Montes. Abangan!

Nakakataquote:

“Ang lovelife naman, ‘di naman siya essential. Hindi naman siya necessity sa buhay. Kung busy ka naman sa buhay mo at happy ka naman, kung ok naman kayo ni Lord, bakit ka maghahanap ng komplikasyon?” – Piolo Pascual

vuukle comment

SHOWBIZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with