^

PSN Showbiz

Anak ni Dominique, napagkamalang kasali sa Bridgerton

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Anak ni Dominique, napagkamalang kasali sa Bridgerton
Dominique at Michael
STAR/File

Ang fresh pa rin ng anak ni Gretchen Barretto na si Dominique Cojuangco habang nagle-labor.

Nanganak na nga ang anak nina Gretchen at Tonyboy Cojuangco noong May 29 sa panganay nila ng mister na si Michael Hearn.

Pinangalanan nila itong Penelope Eloise na nag-trending dahil inakala ng fans ng Bridgerton series ay hinango ito sa mga karakter sa programa pero nagkataon lang daw dahil hindi pa pala ito napapanood ni Dominique. Kaya naman naintriga raw lalo siya sa palabas.

Agad ding ipinost ng bagong mommy ang kanyang panganay pero kalahati pa lamang ng mukha nito ang ipinakita niya.

Ibinahagi rin niya ang mga pinagdaanan habang nasa labor ng daughter nila at kasama na roon ang litrato nila ng mister kung saan puring-puri siya ng mga kaibigan at netizens.

Ang fresh at glowing skin daw kasi ito na parang hindi nasaktan at nahirapan sa panganganak. Lahat nga ay iyon ang napansin na ang ganda-ganda ng kutis nito na parang ‘woke up pretty’ lang daw.

Ni wala raw talagang bakas na nahirapan ito. Napatanong pa ang netizen na bakit ito ganon kaganda bago manganak at sabi pa ng isang samantalang siya ay mukhang overcooked baked potatoes na nagpatawa naman sa anak ni Gretchen.

Napa-“grabe” nga ang mga kaibigan niya at pinusuan ng mga ito ang kanyang post.

Wala ngang duda na nagmana siya sa kanyang mommy Greta na lutang na lutang pa rin ang ganda na parang hindi tumatanda.

Kaya siguradong nakaabang din ang mga tagahanga kung sino ang magiging kamukha ni Penelope Eloise sa kanila ng mister na si Michael. Bongga.

vuukle comment

GRETCHEN BARRETTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with