^

PSN Showbiz

Bida sa Viral Video noon, Bida sa Ledge ngayon

NakNgFU - Mr. FU - Pilipino Star Ngayon

6 years ago nang mapasama si Miguel Dare sa kauna-unahang reality segment ng digital show naming WTFu, ang “The Boys. The Search for the Ultimate Bikini Boylet.” (na-preserve naming mga ginamit nilang bikini ha!) Naging finalist si Miguel na pinakabata sa lahat ng mga sumali. (muntik ko pa nga syang maging baby!) Sa mga bikini pageant sya na-discover ng aming talent coordinator. (yung TC namin, kung nasan mga lalaki, nandun sya!)

“Bata pa ako nun. Nag-aaral pa ako nun. Hanggang sa ‘di na kinaya ng budget. Kailangan nang magtrabaho. Ni-refer ako ng mga kaibigan ko na pumasok sa mga pageant. “Pag-alala ni Miguel. (wag mo na ko i-refer sa iba, sayo lang ako bro!)

Hanggang 3rd year ang inabot nya sa kanyang kursong Marketing Management sa kolehiyo. Hindi na nya ito nabalikan dahil maliban sa pageant, naging aktibo na rin sya bilang ledge dancer sa mga bars. (isayaw mo ko, bro!)

“Hilig ko talaga ‘yung sayaw. Nanunuod ako ng mga videos. Tinitingan ko rin sarili ko sa salamin pag sumasayaw. Basta kailangan level-up palagi.”  Pagbibida ni Miguel. (dahil dyan sayawin mo na ang salamin salamin ng Bini!)

Marami na rin ang nag-offer sa kanya para sumabak sa acting pero mapili pa sya sa ngayon. “Iba kasi ‘yung ambiance ng pag-aartista, sa ledge. Syempre kasi ‘yung forte ko talaga ‘yung pag-sasayaw sa stage.  Pag sa acting, mahiyain pa ako. Pero pag kaya naman, pwede naman. “(ako mag-aalis ng hiya mo, bro!)

Hindi rin daw nawawala ang mga offer ng mga mayayamang bading. “May mga offer. Marami below the belt. Syempre lalaki ako, may mga offer na ‘di ko kayang gawin. Bibigyan daw ako ng 6 digits tapos may gagawin sa’kin, ‘di naman ako ganun. Di ko kaya ‘yung ganun. “(wag po koya! Wag po!)

Pero inamin nyang nagkaroon na sya ng gay relationship. Isang tumagal ng tatlong taon at ang isa naman ay 5 years.  (pwede ba tayo forever, bro?!) “Nafe-feel ko kasi na aalagaan ako tapos nabubuild ‘yung pananaw ko sa buhay pag sila kasama ko. Syempre lalaki ako, babae hanap ko.  Pero pag may gay na dumating na rerespetuhin ako, ok sakin ‘yun. “(opo bro… opo.. po.. opo…)

Sa kanyang guest appearance sa aming digital show na WTFu, inamin ng 28 anyos na binata na sya ang nasa isang private solo video na kumalat noon online. “Para sa ex-girlfriend ko ‘yun dati, long distance relationship kami. Pinadala ko ‘yun para sa kanya. Tapos nagkaroon kami ng away, nag-break kami. Kinalat n’ya.

Na-stress ako syempre, na-depress ako. Ang daming nacha-chat sa’kin. Hanggang sa may tumulong sa’kin na mawala ‘yung video na ‘yun.  Kaya ngayon maingat na talaga ako.” (iingatan din kita, bro!)

 

 

Youtube/FB: WTFu. Twitter/IG/Tiktok: @mrfu_mayganon. FB: mr.fu tagabulabog ng buong universe. Patreon: www.patreon.com/wtfu website: www.channelfu.com

vuukle comment

MR. FU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with