^

PSN Showbiz

Rocco, wagi sa dambuhala!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Rocco, wagi sa dambuhala!
Rocco, Ezren at Melissa

Ang bongga naman ng aktor na si Rocco Nacino na pinatunayan ang pagi­ging martial artist sa totoong buhay.

Nagpamalas ng kanyang fighting skills ang mister ni Melissa Gohing sa kanyang mga proyekto gaya ng Pinoy adaptation ng Korean drama na Descendants from the Sun, Encantadia at iba pa pero pinatunayan niya ang galing sa pakikipag­laban.

Kamakailan ay nagwagi siya sa 2024 Pan Asian Gi and No Gi International Open kung saan nakatanggap siya ng mga medal.

Nakakuha nga siya ng gold at bronze medal at ibinahagi niya ang mga litrato at video sa kumpetisyong sinalihan.

“2 fights. Won 1 Gold and 1 Bronze at this weekend’s Pan Asians 2024,” caption niya sa kanyang post kasama ang kanyang misis at anak nilang si EZ.

Masaya siyang napilit ang sarili na maranasan ang competition jitters at nakakaadik nga raw talaga. Hindi raw ito ang huling beses na sasali siya sa open weight division.

Pinigilan daw siya ng mga kaibigan at ka-team niya nang makita ang dambuhalang kalaban niya pero hindi siya nakinig sa mga ito at tinuloy pa rin ang laban.

Kaya umuwi siyang proud na proud sa sarili matapos ngang tanggapin ang challenge para sa taong ito.

Nagpasalamat naman siya sa misis na si Melissa at anak nila sa suportang ibinigay ng mga ito habang nasa tournament siya na pinagdiinang ang mahalagang papel ng mga ito sa tagumpay niya.

Pinalakas daw siya ng mga sigaw ng kanyang mag-ina na siguradong kinakabahan habang nakikipaglaban siya.

Siguradong magagamit niya ang skills sa gagawin niyang fantasy seryeng Encantadia Chronicles: Sang’gre.

vuukle comment

ROCCO NACINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with