^

PSN Showbiz

'Kuya Kim' Atienza hindi pa tegi, sinupalpal online hoax

James Relativo - Philstar.com
'Kuya Kim' Atienza hindi pa tegi, sinupalpal online hoax
Litrato mula sa Instagram post ni Kim Atienza noong ika-3 ng Mayo, 2024
Video grab mula sa Instagram account ni Kim Atienza

MANILA, Philippines — Inilinaw ng Kapuso TV personality na si "Kuya Kim" Atienza na buhay pa siya't humihinga pa, taliwas sa panibagong kalokohang ikinakalat tungkol sa kanya online.

Lunes kasi nang ipaskil ng isang TikTok account ang black and white photo ng "24 Oras" anchor, bagay na ikinabahala ng kanyang mga tagahanga.

"Hoax," sabi ng TV host sa kanyang Facebook page kagabi.

"Aabot din tayo diyan, but not today."

Una nang sinabi ng post na natigok diumano si Kuya Kim dahil sa isang "aksidente" noong ika-3 ng Hunyo, 2024, kahit na aktibo pa siyang nakakapagkomento sa FB.

Kapansin-pansin ding barok ang pagkaka-English ng naturang TikTok: "Until Again brother Kim."

Hindi tuloy naiwasang magbiro ng komedyanteng si Michael V. tungkol sa sitwasyon, lalo na't naging biktima na rin siya noon ng death hoax.

Hulyo 2020 lang nang pasinungalingan ni Atienza ang ilang YouTube video na nagsasabing kritikal ang kanyang lagay.

Ilang linggo pa lang ang nakalilipas nang maging laman ng balita si Kuya Kim matapos depensahan ang anak matapos makilahok sa pro-Palestinian protest movement.

vuukle comment

DEATH

HOAX

KIM ATIENZA

KUYA KIM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with