^

PSN Showbiz

Joshua, inamin kung ba’t ‘di natakot sa balikan nila ni Julia

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Joshua, inamin kung ba�t �di natakot sa balikan nila ni Julia
Joshua Garcia at Julia Barretto

Mahigit walong milyon na ang followers ni Joshua Garcia sa TikTok. Hindi raw inakala ng aktor na papatok sa netizens ang kanyang mga ginagawang video. Matatandaang December 2021 nang unang mag-upload si Joshua ng kanyang dance video. “Actually, no’ng sobrang fresh pa ng pag-upload ko ng video, sobrang gulat na gulat ako. Tapos tuwang-tuwa ako sa mga tao kapag pinapagawa nila sa mga boyfriend nila. Tawang-tawa ako kapag pinagtitripan nila ‘yung video ko,” nakangiting pahayag ni Joshua.

Kabi-kabila ang ginagawang proyekto ngayon ng aktor. Kamakailan ay nailabas na ang teaser para sa pelikulang Un/Happy For You na pinagbibidahan ni Joshua at dating kasintahan na si Julia Barretto. Hindi umano nagdalawang-isip ang binata na tanggapin ang bagong pelikula. “No’ng nalaman ko ‘yung project, sabi ko yes agad. Kasi ang tagal na rin kasi ng agwat ng panahon na nag-work kami before. Kasi mga teenager kami. Ngayon I can say nag-mature na rin kami. Lumaki na kami, literal. Exciting lang, nagkanya-kanya kaming journey parang ngayon magbabalikan kami sa pelikula,” makahulugang paglalahad ng binata.

Bukod sa bagong pelikula ay magbibida rin si Joshua sa It’s Okay To Not Be Okay kasama sina Anne Curtis at Carlo Aquino. Nakatakdang ipalabas sa Netflix ang Philippine adaptation ng naturang Korean drama. “Sa ngayon nagpo-focus muna ako sa role ko. Sana mabigyan ko ng justice ‘yung role ko. Kasi mas maikukwento namin ‘yung kabuuan ng istorya kasi mas mahaba ‘yung atin. Nag-prepare ako ngayon, nag-workout ako ngayon pero I think mas malaki ‘yung importansya na emotionally prepared kami. Kasi iba rin ‘yung ita-tackle naming istorya. Medyo sensitive kasi siya,” pagbabahagi ng aktor.

Kim-Pau, one take lang ang kissing scenes

Nag-trending kamakailan ang kissing scenes nina Kim Chiu at Paulo Avelino sa ‘What’s Wrong with Secretary Kim?’ Talagang pinag-usapan at kinakiligan ng mga tagahanga ng tambalang Kim-Pau ang paghahalikan ng dalawa sa serye. “Grabe, gano’n sa Korea, ginagaya lang namin. Siyempre may taste of Pinoy, ‘yon ‘yung taste, charot!” natatawang bungad ni Kim sa ABS-CBN News.

Aminado ang aktres na nahirapan silang gawin Paulo ang maseselang eksena. “Mahirap siyempre, sobrang hirap. Parang ‘yon na yata ang pinaka-intense kong ginawa for my entire career. Pero as artista, one take na lang para isahan na lang,” giit ng dalaga.

Ayon kay Kim ay talagang inalalayan siya ng aktor habang ginagawa ang kissing scenes. Nagpaalam pa umano si Paulo sa dalaga bago kunan ang kanilang eksena. “Nagpaalam siya in so many ways. Dito ganito, may rehearsal naman kami. Hindi namin ni-rehearse (‘yung kissing), ‘yung choreography, placing ng kamay, para sa sining, as an artist,” nakangiting pagtatapos ng aktres. — Reports from JCC

vuukle comment

ACTOR

ACTRESS

JOSHUA GARCIA

JULIA BARRETTO

TIKTOK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with