^

PSN Showbiz

Ysabel, naghihintay para sumikat

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Ysabel, naghihintay para sumikat
Ysabel Ortega

Sa totoo lang, isa sa may pinaka magandang mukha sa female stars si Ysabel Ortega.

Ang ganda ng features niya, makinis ang balat at dagdag pa ang husay umarte.

At higit sa lahat, matalino.

Ima­gine ser­yoso siya na maging abogada.

At sexy pa.

Kaya tiyak ko na bigyan lang ng magandang project ng GMA, sure ako na isa na naman gold mine ang magagawa nila.

May mga nagawa na siyang project pero marami silang bida kumbaga kaya hindi masasabing proyekto niya talaga.

Sana bigyan nga siya ng isang serye kung saan maipapakita niya ang kanyang galing sa pag-arte.

Very professional at mahusay pang ma­kisama kaya walang problema kay Ysabel.

Kaya aasahan ko talaga na bibigyan siya ng GMA ng magandang project na magsa-shine siya.

Bongga.

RS, nagpakitang politeness

Impressed naman ako sa PR ni RS Francisco na isa ring kilalang magaling na aktor at negosyante.

Talagang sweet na sweet siya at mahusay makipag-usap na me­rong galang sa mga writer na kausap niya. Very polite at kahit magbiro iba pa rin ang dating dahil feel mo na very polite siya.

At talagang mai-in love ka sa kanya dahil feel mo iyon innate politeness niya sa kausap niya. Alam mo rin na puno ng wisdom kaya igagalang mo siya.

Instant love ang madarama mo sa kanya. Unang matagal na pag-uusap pa lang namin nadama ko na ang sincerity sa kanya. Kaya naman sabi namin sa sarili, gusto ko siyang ­isali sa listahan ng mga kaibigan ko. Isa siyang tao na mukhang masarap maging kaibigan. At mukhang very loyal friend siya dahil isa sa bff niya si Gretchen Barreto. Para pagtiwalaan ka ni Gretchen, ibig sabihin trustworty kang tao.

Talagang na win over niya ako sa ganda ng ugali niya.

Kaya rarampa ako sa mga pag-aari niyang bar. Hahaha.

Bongga.

vuukle comment

ACTRESS

YSABEL ORTEGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with