^

PSN Showbiz

KC, binura ng ex!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
KC, binura ng ex!
Mike Wüthrich at KC Concepcion.
STAR/ File

Nag-unfollow na raw sa isa’t isa sina KC Concepcion at karelasyon nitong si Mike Wüthrich sa social media.

Mabilis na kumalat ang ispekulasyon ng netizens nang mapansin nila na hindi na naka-follow sa isa’t isa ang dalawa.

Ilang buwan na ring pinag-uusapan at tinatanong ng netizens kung hiwalay na nga sila dahil sa mga cryptic post at caption nito na nagpapahiwatig ng breakup nila pero ngayon nga tila kumpirmado na nga raw.

Bukod nga sa pag-unfollow ay tinanggal na rin daw ng ex na Filipino-Swiss businessman ni KC ang litrato nila na ipinost nito nakaraang taon.

Nagsimulang mapansin ng mga tagahanga na mukhang may pinagdaraanan ang dalawa nang hindi dumalo si Mike sa birthday ng anak ni Sharon Cuneta.

Nag-post din si KC ng kanyang litrato na may caption na “Moving on” na may mga heart at fire emoji.

At sa latest post nito ay kasama sa kanyang everyday routine ng nakalipas na linggo ay ang pagbabalik niya sa fitness routine. Mukhang parte ito ng kanyang pagmo-move on kaya nagwo-workout na siya para sa kanyang balik-alindog.

Pansin kasi ng netizens ay bumibigat ang timbang niya pero lutang pa rin ang ganda. At ngayon nga ay magpapapayat na nga raw ito.

Bongga.

vuukle comment

KC CONCEPCION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with