^

PSN Showbiz

Rufa Mae, ayaw tigilan sa ‘hiwalayan’ nila ng mister!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Rufa Mae, ayaw tigilan sa �hiwalayan� nila ng mister!
Trevor Magallanes at Rufa Mae Quinto

Kaseselebreyt lang ng actress-comedian na si Rufa Mae Quinto ng kanyang ika-46th birthday.

Simple lang ang naging celebration niya at ibinahagi niya ang mga litrato nila ng kanyang daughter na si Athena.

“Happy birthday to me everyday , every meal,” caption niya sa litrato nila kung saan hinihipan niya ang isang cake.

Pero wala sa litrato nila ang hubby niyang si Trevor Magallanes.

Panay rin ang tanong ng netizens at iniisip nga ng mga ito ay baka sumunod na ang mag-asawa sa mga hiwalayan sa showbiz gaya nina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez.

Mapapansin kasi sa mga litrato nila ay madalas sila lang ni Athena ang magkasama. Pero para siguro matahimik na ang mga tagahanga ng komedyante sa katatanong kung nasaan ang mister niya ay sinagot na niya ang mga ito sa pamamagitan ng kanyang caption noong magselebreyt siya ng Mother’s Day.

Dalawa lamang sila ni Athena sa litrato pero nilagay niya sa kanyang caption na “Si Trevor (hubby) nag picture !” dahil hinahanap nga ito ng mga nagmama­rites na hiwalay na sila.

Ayaw pa rin kasi siyang tantanan kahit sinagot na niya noon ang netizen na sila pa rin ng hubby niya.

May netizens naman na nagkomento na nakikita nila ang mag-asawa kasama ang anak nila na namamasyal, hindi nga lang nilalabas ni Rufa ang litrato nilang magkakasama.

Mukhang mas gustong maging pribado ng kanyang mister kaya hindi niya ito masyadong pino-post.

Bongga.

Eddys, kinasasabikan na!

Nakakatuwa naman na lahat naririnig mo na pinupuri ang SPEEd (Society of Philippine Entertainment Editors) para sa darating na The Eddys na gaganapin pala sa Ceremonial Hall ng Marriott Hotel. Bongga.

‘Pag naririnig ko ang mga papuri para na rin akong member ng SPEEd sa tuwa na nararam­daman ko. ‘Katuwa dahil kahit mga kapwa editors ni Salve ay pinupuri. At lahat excited sa darating na awards night.

Kaya naman sure ako na lahat ng invited na stars darating dahil nga buong showbiz excited na. Tingnan mo nga at pati si Chuck talagang committed ang mga alaga niya na dadalo para maging presentors. Kung ngayon pa lang excited na si Chuck at si Gorgy lalo pa siguro ang stars noh!

Bongga.

vuukle comment

ACTRESS

RUFA MAE QUINTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with