^

PSN Showbiz

Coco at Julia, pinagkaisahan si Michael!

Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Coco at Julia, pinagkaisahan si Michael!
Michael de Mesa at Coco Martin

Naka-post sa Instagram ni Michael de Mesa ang birthday treat sa kanya ni Coco Martin.

Malaking handaan ang nangyari, ang daming food at karamihan sa mga bisita ay kasama sa Batang Quiapo kabilang si Raymart Santiago na nakasama sa Ang Probinsyano.

‘Katuwa nga dahil kahit nasa cast si Raymart ng Black Rider na katapat ng Batang Quiapo, invited pa rin siya sa birthday party.

Si Coco ang nanguna sa pagkanta ng birthday song, samantalang punong abala naman si Julia Montes sa pag-aasikaso sa food. Pre­sent din sa party sina John Estrada, John Prats, Isabel Oli, Albert Martinez at marami pang iba.

Sabi ni Michael, “When your closest friend go above and beyond to throw you a birthday dinner. They not only hosted but also took the time to cook for me. I’m deeply touched by their thoughtfulness and generosity. Maraming salamat @cocomartin-ph, @montesjulia08 and Chef @iamreggieaspiras for making my day so special! Thank you also @johnprats @isabeloliprats raymart Santiago @johnestrada_ @albertmartinezph for celebrating with me. Love you guys!”

David at Barbie, papalit kay Vic

Parang opening na ng movie nina Barbie Forteza at David Licauco na That Kind of Love ang opening ng resto ni David sa SM Clark Pampanga na Kuya Korea. Dahil hindi pa man bukas ang resto, ang dami nang nakapila sa labas.

Tinupad nga ng fans ni David ang ipinangako na susuportahan nila ang resto business ng aktor, hindi lang ang career nito. Kaya makakaasa ang actor na ‘yung branch sa Cubao this June ay susuportahan din nila.

Palalakihin niya ang Kuya Korea dahil magkakaroon din siya ng branch sa Worldwide Corporate Center sa Shaw Blvd. May mga request na magbukas din siya ng branch sa may Morato/Timog area at sa Manila.

Samantala, bago ang showing ng That Kind of Love, napapanood muna sila sa Daig Kayo ng Lola Ko na nagsimula kagabi.

Ang Daig Kayo ng Lola Ko ang papalit sa time slot ng Open 24/7, ang sitcom ni Vic Sotto sa GMA 7 na mawawala na after 52 episodes. Hintayin natin at baka may statement ang GMA Network at M-Zet Productions ni Vic tungkol dito.

But of course, inaabangan din ang premiere ng Pulang Araw na dalawa sa mga bida sina Barbie at David.

Sa July na raw ang premiere nito at excited na rito ang BarDa fans dahil sa malaking project ito at ibang karakter na naman ang gagampanan ng mga paborito nila.

vuukle comment

ACTOR

COCO MARTIN

MICHAEL DE MESA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with