^

PSN Showbiz

Dominic, dinagdagan ang cyber libel ni Cristy Fermin

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Dominic, dinagdagan ang cyber libel ni Cristy Fermin
Dominic Roque.
STAR/ File

4 na...Humabol sa May...

Si Dominic Roque naman ang nagdemanda ng cyber libel sa beterang talk show host – Cristy Fermin sa Pasig City Prosecutor’s Office kahapon.

Diumano’y ang mga malisyosong mga pahayag at patutsada sa kanyang Youtube channel na Showbiz Now Na ang basehan ng ex ni Bea Alonzo.

Maaalalang naunang nagsampa ng ganitong demanda si Bea noong May 2 sa Quezon City Prosecutor’s Office. “Malicious and defamatory public statements,” din ang basehan ng pagdedemanda ng actress.

Sumunod ang mag-asawang Kiko Pangilinan and Sharon Cuneta noong May 10 sa Makati City Prosecutor’s Office.  “Malicious statements” din ang basehan ng reklamo ng mag-asawa.

Kaya pangatlo na itong Cyber libel ni Dominic sa veteran entertainment columnist sa katatapos na buwan.

Last February nang nakumpirma ang breakup nina Bea at Dominic pero naging kontrobersyal ito at maraming nadawit na personalidad.

Nauna na siyang (Cristy) kinasuhan ng cyber libel ni Sarah Lahbati.

Kaya parang nangongolekta ngayon si Nay Cristy ng cyber libel. Pero tiyak na may sagot dito si Nay Cristy na ‘di na apektado sa mga ganitong kaso.

CRISTY

DOMINIC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with