^

PSN Showbiz

Cristine at ex-hubby, nagkaayos

JUST ASKING - Leon Guerrero - Pilipino Star Ngayon
Cristine at ex-hubby, nagkaayos
Amarah, Cristine Reyes at Ali Khatibi.
STAR/ File

Ang ganda lang na tingnan na magkasama ang buong pamilya ni Amarah, anak nina Cristine Reyes at Ali Khatibi sa moving up ceremony nito sa isang International Academy.

So all is well between them, ok din kaya si Amarah kay Marco Gumabao na current boyfriend ng mommy niya?

At si Ali, ano na ang pinagkakaabalahan niya? Nagsho-showbiz pa rin ba siya?

Hilda, pinaboran ng manunuri?

Next week na ang Gawad Urian na gaganapin sa De La Salle University at i-stream sa DZUP sa June 8.

Ang tanong dyan – darating ba si Hilda Koronel para tanggapin ang kanyang natatanging Gawad Urian?

May dating Manunuri ang nagkuwestiyon nito at nagtanong, pinairal ba ng mga Manunuri ang kanilang fan mentality at inuna pa si Hilda kaysa kina Elwood Perez, Lutgardo Labad, Gregorio Fernandez, Jesse Ejercito, at Armando “Bing” Lao?

Nasaan daw ang resibo ni Hilda Koronel?

Pagkatapos ng Urian, sa susunod na buwan naman – The Eddys na.

Ano namang pasabog ang maaasahan? Exciting ‘yan!

Showbiz couple, super tago sa mga anak

Talaga ba? Tatlo na ang anak ng kilalang showbiz couple na ito na hindi pa rin nagpapakasal? Kaya ba kayod marino ang actor at todo sa trabaho ito para matustusan ang kanilang mag-anak?
Tingnan natin kung kailan sila lalantad tungkol sa kanilang mga supling.

Magandang malaman, bakit nga ba sila nagtatago pa? Magpapakasal muna sila kaya?

Daming tanong ever!

Sold out ni Darren, hinuhusgahan!

Talaga ba? Sold out na ang major concert ni Darren Espanto sa Araneta Coliseum? Hype na hype kasi talaga ang promo nito na may pa-billboard reveal at pailaw sa ABS-CBN building pa!

Kaya na ba niyang punuin ang Big Dome? At manonood ba ang BFF niyang si Cassy Legaspi? Tingnan natin mamaya!

Nakakataquote:

Heart, may payo kay Liza!

“The risk of not getting anyone’s approval and still going for what’s in your heaart, go for it!”  – Heart Evangelista to Liza Soberano on her Hollywood journey

vuukle comment

ALI KHATIBI

CRISTINE REYES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with