Aktres, nahirapang itago ang baby number 3!
Kinumpirma ng aming reliable source na tatlo na talaga ang anak ng kilalang showbiz couple.
Ang panganay ay girl, pangalawa ay boy at ang bunso ay girl ulit.
Nung ipinagbuntis daw ni aktres ang bunso nila ni aktor ay sumabay sa kasagsagan ng promo ng isa niyang pelikula.
Sabi nga ng ilang reporters na nakaalam na sa kalagayan ni aktres, medyo nahirapan daw silang umanggulo kay aktres na hindi mahalata ang baby bump.
Pero tahimik lang talaga sila, at hindi nila ito naipo-post sa kanilang social media.
Sabi raw kasi ni aktor, karapatan din naman daw nilang magtira ng ilang pribadong aspeto sa kanilang buhay.
Oo naman! Karapatan talaga nila ‘yun.
Isay, ‘di makalimutan ang ginawa ni Kathryn
Napapangiti na lang si Isay Alvarez nang tanungin kung nai-intimidate ba ang ibang co-actors niya dahil galing siya sa teatro.
Sa totoo lang, nakakatikim pa raw siya ng pananaray, na naalala niya minsan ay inirapan siya at may slight na pananaray mula sa isang beteranang aktres na nagtanong sa kanya kung galing nga ba siya sa teatro.
Kinuwento sa amin ito ni Isay nung nag-promote siya sa DZRH ng pelikulang Seoulmeyt na showing pa rin ngayon sa mga sinehan. “Meron lang sigurong mga beteranang artista na nakasabay ko na medyo tinatarayan ako na hindi pa kami nagkatrabaho.
“Hayaan na lang natin. Pero alam naman natin… taga-teatro man ako, pero pare-pareho lang naman tayong nagtatrabaho.”
Pati sa young stars ay meron din siyang karanasang hindi niya nakalimutan. Hindi lang niya binanggit kung sino ito. “Meron kaming matinding director na very demanding. Ang gusto niya ‘pag ‘yung eksena iri-rehearse n’yo nang matagal para ‘pag nag-take perfect and meaning to say, kailangan n’yong i-memorize lahat. Eh minsan nagtutuhog ‘yun, pagkatapos ng eksena ‘yung tuluy-tuloy. So, you really have to really ano your lines, ‘yung blocking palipat-lipat ‘yun.
“Dahil magulo ‘yung mangyayari sa eksena, I asked lang ‘pag nung umalis na ‘yung director. E usually ‘di ba? Nasabi na sa inyo kung saan kayo pupunta, kung ano ‘yung gagawin n’yo. Pupunta na siya sa system. So, maiiwanan na kayo sa set.
“Sinabi ko sa artista, for example, ‘ganda, puwede ba nating i-rehearse ‘yung mga linya natin?’ Sinagot ba naman ako, tinawag ba naman… for example ang pangalan ng floor director, Lina. ‘O Lina, i-rehearse mo daw si Tita Isay.’
“Ano naman ang makukuha ko, of course I can throw lines with the floor director. Pero iba pa rin ‘yung ikaw na kaeksena kong maganda ka, e makapag-rehearse naman. Well, ayaw niya.
“Nainis na lang ako sa kanya. Sabi ko, talaga ‘tong babaeng ‘to. But anyway, hindi naman siya ganun kasikat ngayon. Kaya okay lang.”
Sa lahat ng young stars ay puring-puri niya si Kathryn Bernardo.
“Alam mo ‘yung si Kathryn, dahil gusto niyang magkaroon pa ng ibang magtuturo sa kanya, nag-take up siya ng musical theater workshop sa amin. And I was one of the teachers, ako ay isa sa mga mentor. Bata pa siya nu’n, and I was really impressed by her talent.
“Nung time na ‘yun… acting, excellent na siya e… dancing. She was trying to hone her singing skills and performing on stage. And because of that, hats off talaga ako sa bata na ‘yun,” dagdag niyang pahayag.
Nung Miyerkules nag-showing ang Seoulmeyt na sinuportahan ito ng ilang grupo ng fans at supporters nina Kim Molina at Jerald Napoles. Kaya may block screenings ito.
Ang dinig namin, halos naka-P1M daw ang kinita nito sa unang araw sa mga sinehan.
- Latest