^

PSN Showbiz

Jowa ni Juan Karlos, iniikot ang mga beauty pageant

JUST ASKING - L. Guerrero - Pilipino Star Ngayon
Jowa ni Juan Karlos, iniikot ang mga beauty pageant
Dia Mate

Ayan na, umiiral na ang ikutan at rigodon ng mga kontesera! Totoo bang pagkatapos ng sumali ng jowa ni Juan Karlos na si  Dia Mate na na lotlot sa Miss Universe Philippines, heto at kandidata na naman siya sa  Miss World Philippines?

Try and try and never say die talaga!

Ano ito, ang last stop nila Binibining Pilipinas? Meaning latak na ba pagdating kay Madame Stella Marquez de Araneta?

Kailangang bawiin ang kredibilidad

Hindi pa rin tumitigil ang FAMAS issue at talagang naihahambing na ang naging palakad ni Vince Tañada dun sa panahon nina Ricky Lee!

Ang layo! Ngayon, nawalan tuloy muli ng kredibilidad ang FAMAS.

Paano kaya maisasalba ito? Eh kung magresign kaya silang lahat?  Simula ulit ng bago? O pack up na talaga!

Kasi ang sabi ng Google , the  Filipino Academy of Mo­vie Arts and Sciences Awards (also known as the FAMAS Awards) is the annual honors given by the Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS), an organization composed of award-winning writers and movie columnists, for achievements in Philippine cinema for a calendar year.”

AWARD WINNING WRITERS & MOVIE COLUMNISTS na? So parang EDDYS ng SPEED at PMPC STAR at EnPRESS na ba ito?

Sana mali ang Google!

JC, ‘di tanggap na natalo?!

Sa gitna nang lahat ng ito, hindi na tuloy nasagot ang tanong na - bakit nanalo si L.A. Santos? At bakit uminom na lang nang uminom noong gabi ng parangal si JC Santos? At totoo bang tinanong ni Piolo Pascual sa producer niya pagkababa na - “Hindi mo naman binili itong award na ito, di ba?”

Kakaiba talaga ang Gabi ng FAMAS!

Asawa ni Donita, nadawit sa intriga sa singer na katambal ni Tirso Cruz

Umalma din ang kapatid ni Sheena Palad na si Felson Palad na asawa ni Donita Rose sa mga masasakit na salitang ibinato sa kawawang singer. Sumambot naman ang ibang netizens at ang sabi, “Your sister is not to blame. She was dragged only in this controversy because of the lapses in the protocol of the organizers. But she also became known to many who have not yet heard of her. It could be a blessing in disguise.”

Blessing in disguise ba yun talaga?  Nakakalungkot lang at nangbi-bitch sa comments at ang sabi’y, “Ayaw mo pa nun nkilala ang sister mo? Blessing in disguise. Good or bad   still publicity. Pati ikaw ngayon sumawsaw ka, makikilala ka rin nyan.”

Nakakaloka rin talaga ang social media, di ba? Ngayon, aabangan ang next moves ni Sheena! Palarin kaya siya?

Nakakataquote :

Hangga’t kaya, maganda ‘yung ipinapakita at ipinaparamdam ang pagmamahal at pagpapahalaga. Kaya ang ganda lang nang dalawin ng ilang kasamahan natin sa industriya ang Regal matriarch na si Mother Lily Monteverde. Heto ang sabi ng anak niya:

“Thanks Allan Diones,  Malou Choa-Fagar, Anna Pingol and Ricky Davao for visiting Mother. Super enjoy and love ni Mother yung company! So we make it Wednesday lunch club na!”. - Roselle Monteverde

vuukle comment

JUAN KARLOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with