Luis, sobrang nainis sa Marimar ni Alex
Nag-aambisyon daw bang maging si Marimar si Alex Gonzaga?
Though may ilang followers na nakornihan dahil masyadong overacting daw siya, marami rin namang natawa sa kanyang Marimar video na posted sa Instagram account niya.
“Eto na ang jejeng Marimar si MARENGMAR!,” caption ni Alex.
Hirit naman ni Luis Manzano : “Sa tinagal kong nabuhay sa mundong to, ngayon lang ako nainis ng ganito.”
Na of course ay joke lang naman.
Supportive ang husband niyang si Mikee Morada.
Samantala, totoo bang tanggap na raw talaga ni Alex na hindi pa agad siya magiging ina matapos magkaroon ng miscarriage ng dalawang beses.
- Latest