Regine, araw-araw naiisip na may papalit na sa trono
Mag-aapat na dekada nang aktibo sa music industry sina Ogie Alcasid at Regine Velasquez. Ayon sa singer-composer ay may mga pagkakataong naiisip ng Asia’s Songbird na mayroon nang papalit sa kanilang mga trono sa industriya. “Always, araw-araw namin ‘yang pinag-uusapan. Araw-araw kaming nagkakaroon ng maraming realization. Minsan kasi nahuhuli ko siya, pinapanood niya ‘yung mga videos niya no’ng bata pa siya. Tapos sasabihin niya sa akin, ‘Tingnan mo oh, ang taas pa ng boses ko. Ang galing ko no’n ‘no?’ Sasabihin ko, ‘Hindi, magaling ka pa rin hanggang ngayon. Iba lang ang istilo mo ngayon. Mas may puso ka nang kumanta. Kasi nandito na ako sa buhay mo.’ May mga ganyan kami,” pagbabahagi sa amin ni Ogie sa Fast Talk with Boy Abunda.
Naiisip din daw ni Regine na unti-unti nang naglalaho ang kanilang mga ginagawa ni Ogie pagdating sa pagkanta. “’Marami nang bago ‘no? Marami nang magaling, marami nang bata. Wala na siguro tayo?’ Sabi ko, ‘Ano ka ba? Hindi naman wala, nandito pa rin tayo. Ang mahalaga, alam natin kung saan tayo lulugar.’ Marami nang bagong darating talaga pero ang maganda nakukuha mo ‘yung respeto ng mga batang ‘yan,” dagdag ng singer-composer.
Madalas na tumutulong si Regine sa mga nagsisimula pa lamang na singer ngayon. Madalas na tumatanggap ang Asia’s Songbird ng guesting para sa concerts ng ilang mga nakikilala pa lamang na singers sa bansa. “She always takes pride whenever these kids would talk us. Napapansin n’yo palagi siyang nagge-guest kasi gustung-gusto niya. She wants to be part of the lives and careers of those who are coming. Kasi naaalala niya no’ng nagsisimula siya, ganyan din sina Pilita (Corrales), Kuh (Ledesma), Pops (Fernandez), Martin (Nievera), hindi niya nalilimutan ‘yon,” paglalahad ni Ogie.
Jake, nagka-major transformation
Kapansin-pansin ang blonde hair ni Jake Cuenca ngayon. Nagpakulay umano ng buhok ang aktor dahil sa isang bagong pelikula. “Katatapos lang ng shooting namin ni Baron (Geisler) for Netflix. The character was a bit older. This character is about mid-40s, ganyan. I made a major transformation for it. Tapos na ‘yung movie so I’m excited for everyone to see it,” bungad ni Jake.
Walang problema sa binata kung nalilinya man siya sa pagiging character actor sa mga proyekto. “Ako naman I suit the tone. Like sa Secretary Kim, if they want me to be a leading man, I will deliver them a leading man. If they want a guy, coming out of scar face like sa Iron Heart, we can make that happen. This is the type of acting I enjoy the most,” paliwanag ng aktor.
Hindi man napapanood sa big screen ay kabi-kabila naman ang ginagawang proyekto ni Jake para sa iba’t ibang streaming platforms. Sa ngayon ay ine-enjoy ng aktor ang mga naging pagbabago sa entertainment industry. “It’s the best time to be an actor. Especially if you are a hardworking actor. Because of the streaming platforms, you can be doing different types of projects. As of right now I’m doing one with Amazon Prime, and I’m doing one with Netflix, ‘yung movie namin ni Baron. Secretary Kim is airing in Viu, and I also have a sitcom in Channel 5. Of course, the landscape has changed eh. It’s hard to predict things. It’s the best time for hardworking actors,” pagtatapos ng binata. — Reports from JCC
- Latest