^

PSN Showbiz

'Papansin': Andi Eigenmann bumwelta vs babaeng kasama ng partner sa TikTok

James Relativo - Philstar.com
'Papansin': Andi Eigenmann bumwelta vs babaeng kasama ng partner sa TikTok
Litrato nina Andi Eigenmann (kaliwa) at Philmar Alipayo (gitna) at screenshot ng kontrobersyal na video (kanan)
Mula sa Instagram ni Andi Eigenmann; Video grab mula sa TikTok account ni Crissa Liaging

MANILA, Philippines — Kinastigo ng aktres na si Andi Eigenmann ang isang babaeng nag-upload ng TikTok video kasama ang kanyang karelasyong si Philmar Alipayo. Aniya, "sadyang in-edit" kasi ito "para manggulo."

Kaugnay ito ng post ng isang Crissa Liaging kamakailan. Makikikita rito kung paano ilapit ni Philmar ang kanyang ulo palapit sa babae habang tumitingin sa mukha. 

Kapansin-pansin din sa video ang pabirong pagsipa ni Alipayo sa binti ni Crissa habang hawak ang kanyang baywang. Si Philmar at Andi ay maay dalawang anak.

"For how many weeks staying here in siargao finally i saw you!!!" wika ni Crissa sa paskil, bagay na may background music pang "Weak." 

@crishabibi

For how many weeks staying here in siargao finally i saw you!!! ????

? ur soo kewt if u use this sound . - monnie.

Agad namang nag-react ang aktres sa naturang video, at halatang bad trip na bad trip.

Kanyang pagdidiin, sadyang in-edit ang video para makakuha ng atensyon online.

"He can go out with his friends, go drinking every once in a while, and chat with whoever he wants. No harm in that," ani Andi sa kanyang Instagram story nitong Lunes.

"What's shameful is purposely posting and editing a video to cause a stir, disturbing the peace of people and dragging them into their negativity; just for some social media attention."

Sinundan naman ito ng IG story ni Andi ngayong araw kasama niya ni Philmar sa Happy Islanders Surf Club sa Siargao, lugar kung saan sila nakatira.

Inilinaw naman ni Liaging sa hiwalay na TikTok video na hindi sila naglalandian ni Alipayo sa naturang video lalo na't may kasama rin daw silang ibang tao noong panahong 'yon. Gayunpaman, sadyang hindi lang daw ito nahagip ng camera.

Sa kabila nito, aminado naman siyang nagkamali siya sa pagbabahagi ng video na siyang na-misinterpret ng fans sa internet.

Disyembre 2020 pa lang ay engaged na sina Andi at Philmar. Una nang sinabi ng magkarelasyon na ipinagpaliban nila ang kanilang kasal ngayong 2024 matapos matapos mamatay sa atake sa puso ang ina ni Andi na si Jaclyn Jose.

vuukle comment

ANDI EIGENMANN

PHILMAR ALIPAYO

SIARGAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with