^

PSN Showbiz

Kylie, may pa-preview sa jowang foreigner

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Kylie, may pa-preview sa jowang foreigner
Kylie Verzosa

Tila nag-soft launch na ang aktres na si Kylie Verzosa ng kanyang boyfriend.

Nag-post ito ng TikTok video na nakuha ang atensyon ng kanyang followers kung saan ipinakita niya ang likod ng isang lalakeng natutulog sa kanyang tabi.

Tila bagong gising lang siya na naka-pajama habang nili-lipsync ang Espresso ni Sabrina Carpenter.

Pero nang nasa linya na ng “Oh, he looks so cute wrapped around my finger,” ay mabilisan niyang nilipat ang camera sa isang lalakeng katabi niya.

Inulan agad ng katanungan ang kanyang post at tinatanong ng netizens kung boyfriend na nga ba niya ito.

Nasabik naman ang mga tagahanga niya na malaman kung sino nga ba ang bagong nagpapatibok sa puso ng ex ni Jake Cuenca.

Napapadalas nga ang patikim ni Kylie sa kanyang boyfriend na mas lalong nagpapasabik sa kanyang fans.

Ilang buwan ang nakalipas nang mag-post din siya ng litrato nila ng isang lalake habang namamasyal sa Japan pero nakatalikod lamang ito na base sa hitsura ay foreign guy.

Inamin naman niya nakaraang taon na may kasalukuyan na siyang karelasyon na isang foreigner at pribado ang kanilang relasyon kaya mas tahimik ito dahil nga magkaiba ang kanilang industriyang ginagalawan.

Nirerespeto raw ng boyfriend ang kanyang trabaho at ganon din daw siya rito. Kaya mas pinipili nitong hindi magbigay ng kahit anong detalye tungkol sa relasyon.

Maaaring naghihintay lang si Kylie ng tamang panahon para ilantad nang tuluyan ang karelasyon.

vuukle comment

ACTRESS

KYLIE VERZOSA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with