^

PSN Showbiz

Aktres at nanay, magkasabwat sa paghahanap ng mayamang jowa

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Nawindang as in muntik nang himatayin ang kaibigan naming talent manager nang may ipinarating sa kanya na litrato ng hinahawakan niyang talent na sumasali sa ilang beauty competitions.

Maganda ang talent niyang nag-aartista na rin.

Pati ang nanay niya nasa late 40s lang yata ay napakaganda rin kaya ganun kaganda ang kanyang anak.

Kung sisipating mabuti ang kanilang mukha, mukhang may ipinaayos, kagaya ng ilong o baka ang labi.

Pero nang nakita namin ang lumang litrato ng mag-ina, hindi ka maniniwalang sila ito.

Ayon sa ilang napagtanungan namin, mukhang kinarir ng mag-ina ang pagpapaayos ng mukha, para puhunan sa papasuking career ng anak.

Pero ang madir na waley na ang dyowa ay umaasa ring makatisod ng mayamang lalaki pagkatapos niyang nabiyuda.

Hindi lang daw sure ang aming source kung biyudang dead o biyudang buhay ang madir, pero ang mag-ina ang talagang magkasama sa lahat ng lakad.

Ngayon ay may napaka­yamang dyowa-dyowaan si girl na suportado ng kanyang madir. Nakakariwasa na ang buhay dahil sa napakabonggang regalo ng napakayamang dyowa-dyowaan.

Ang dagdag pang tsika sa amin, dinispatsa na raw ng mag-ina ang pekeng gamit nila, kagaya ng bags at sapatos dahil mga mamahalin na ang gamit nila.

Ate Guy, nanghinayang sa Cannes

Simpleng salu-salo lang daw ang selebrasyon ng original Superstar Ms. Nora Aunor na nagdiwang ng kanyang 71st birthday nung nakaraang Martes, May 21.

Hindi sumagot ang taong malapit kay Ate Guy nang tinanong ko kung sino sa miyembro ng pamilya ang nakasama ng aktres sa kanyang kaarawan.

Sa mga anak ni Ate Guy, si Lotlot de Leon lang ang nakita kong nag-post ng birthday greeting sa kanyang ina.

Ni-repost nito ang news sa screening ng pelikulang Bona sa Cannes International Film Festival.

At ipinost ng Film Development Council of the Philippines Chairperson direk Joey Reyes sa kanyang Facebook account na katatapos lang niyang daluhan ang screening ng Bona.

Tamang-tama namang magandang birthday gift ito sa Superstar.

Sayang nga at hindi ito nadaluhan ni Ate Guy, dahil hindi raw pinayagan ng kanyang doktor.

Kaya nagpadala si Ate Guy ng mensahe ng pasasalamat sa magandang oportunidad na ipalalabas sa Cannes ang isa sa classic films niyang ipinalabas noong 1980.

Aniya, “Nakakatuwa po na makalipas ng apatnaput tatlong taon, muling nagkakaroon ng panibagong buhay at lakas ang pelikulang ito na ating pinagbidahan at prinodyus noong kasagsagan ng ating matagumpay na karera.”

Nagpasalamat si Ate Guy sa lahat na mga taong involved sa pelikulang ito, lalo na sa direktor nito na isa ring National Artist na si Lino Brocka.

AKTRES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with