'Proud of you': Heart Evangelista todo suporta sa asawang Senate President
MANILA, Philippines — Supportive wifey ang peg ng aktres na si Heart Evangelista matapos hirangin bilang panibagong Senate President ang mister niyang si Francis "Chiz" Escudero nitong Lunes.
Kahapon lang kasi nang magbitiw sa parehong posisyon si Sen. Juan Miguel Zubiri, ito matapos kumalat ang ugong-ugong na iku-kudeta siya ng mahigit 15 senador.
"Proud of you," wika ni Heart sa kanyang Instagram story kahapon.
"Congratulations Senate President Escudero!"
Makikitang nakatabi si Heart sa kanyang asawa habang nanunumpa sa Senado para sa panibagong katungkulan.
Tinadtad din ng heart emoji ng aktres ng ang kanyang mga paskil habang ipinagmamalaki ang mister online.
Ngayong Martes lang nang i-congratulate ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Chiz ngayong siya naa ang mamumuno sa Senado. Aniya, buo ang kanyang tiwalang makikipagtulungan ang liderato ni Escudero sa pagkamit ng "Bagong Pilipinas."
"I extend my support to the new Senate President, Chiz Escudero. His legislative record and commitment to public service have distinguished him as a dedicated leader," ani Marcos Jr. kanina.
"Senator Chiz steps into this role following the commendable tenure of Senator Migz Zubiri, and I am confident that under his leadership, the Senate will continue to prioritize transformative laws to achieve our shared vision for a Bagong Pilipinas."
Matatandaang sinabi ni Zubiri na nadurog ang kanyang puso sa naturang nangyari, lalo na't hindi naman daw siya kalaban ng administration.
Gayunpaman, sinabi ng senador na mukhang nadali raw siya dahil sa siya'y "not following instructions."
- Latest