Kelvin Miranda, hindi pa rin sanay sa social media
Aminado si Kelvin Miranda na grabe ang epekto sa kanya ng social media.
Kaya’t hanggang ngayon ay pinag-aaralan niya pa raw kung paano siya makaka-adjust.
At para hindi maapektuhan, nagso-social media detox siya, like two to three weeks.
“Kung may ipapa-post po sa akin, ginagawa ko, pagkatapos nun bumibitiw na ulit ako,” kuwento ng actor na busy ngayon sa promo ng pelikulang Chances Are You and I with Kira Balinger.
Aminado rin siyang lahat ng intriga sa kanya ay naapektuhan siya.
Kumpisal niya : “Medyo nahihirapan po akong mag-cope up. Kasi minsan sumusobra na rin ang ibang tao sa pagsasalita.
“Hindi nila inaalam ang tunay na kuwento. Nakakaapekto po talaga ‘yun sa akin.”
Dagdag pa ng Kapuso actor : Lahat ng issue naapektuhan ako, hindi lang naman sa akin, o mga taong dinadawit ang pangalan ko. Sa lahat apektado ako.”
Aside from social media detox, nakakatulong din kay Kelvin ang pakikinig ng music at paggawa ng art work para hindi siya maapektuhan mentally.
“Minsan nakikipagkita ako sa mga kaibigan ko, nagmo-motor, lumalabas, tatambay para makapag-muni-muni.”
Samantala, inulit din ni Kelvin na hindi talaga si Kira ang dahilan ng break up nila ng non-showbiz girlfriend niya. “Hindi po. Naging malapit lang siya dahil sa character po,” na ang nire-refer ay itong Chances Are You and I na sinimulan nilang gawin nung may COVID pa, 2021 kaya na-delay at natapos lang talaga noong February 2023.
At ngayon nga ay ipalalabas na ang pelikula ng Pocket Media Productions, Incorporation na isang romantic comedy-drama directed by Catherine “CC” O. Camarillo.
Nasa likod ng mga popular na ABS-CBN teleserye si Direk CC tulad ng Halik (2018) with Jericho Rosales and Sam Milby, Wild Flower (2017), with Maja Salvador and Aiko Melendez.
Sa South Korea naman sila nag-shoot para sa pelikulang ito noong 2022 at tiniis nga raw nila noon ang sobrang lamig.
Si Kelvin ay gumaganap bilang Soleil Sikat o “Sol,” na kumbinsido na ang kamatayan ay hindi maiiwasan at tayong lahat ay mamamatay. Siya ay isang pessimist.
And he realized, na anuman ang kalagayan niya, tayo ang nagtatakda ng ating kinabukasan.
Si Kira naman ay si Gabriel Sinag o ang bubbly na si “Gab,” na naniniwala na ang buhay ay may perpektong wakas.
Parehong na-diagnose na may brain tumor ang dalawa sa kuwento at nagkita sila sa isang ospital kung saan pareho silang naka-confine. Hanggang na-curious sila sa isa’t isa.
And they set an adventure decided by a flip of a coin.
Noong nag-shooting sina Kelvin at Kira, may winter snow sa Korea, pero kailangan nilang mag-focus sa kanilang mga role at kalimutan ang maaraw na Maynila.
Mauunang ipalabas ang Chances Are, You and I this May 25 to 26 sa Jinseo Arigato International Film Festival. The stars of the film, as well as the director will grace the event and attend the screening in Japan.
The film’s soundtrack, Demonyo was done by Juan Karlos “JK” Labajo, Mapa by SB19 and Anghel by Brando Bal.
Mapapanood naman ito sa local cinemas nationwide on May 29 and will have a premiere night at SM Megamall on May 28.
- Latest