^

PSN Showbiz

Dalawang aktres, may ebidensyang bading ang non-showbiz dyowa!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Aware kaya ang dalawang aktres na pinag­dududahan ang dyowa nilang bading?

Hindi naman kumpirmadong bading ang non-showbiz na dyowa ng dalawang aktres. Pero sa mga kilos nila at pagsasalita, may lansa ang dating.

Isang kaibigan naming nahuli niyang marunong magkabit at magtanggal ng false eyelashes ang husband ni magandang aktres.

Pero sa totoo lang hindi naman basehan ‘yun para pagbintangang bading.

Magdududa ka lang kasi sa pagkakaalam ko lang ay ito lang ang tanging tunay na lalaking marunong gumamit ng false eyelashes.

Ako ngang berdaderong bading, hindi marunong magkabit ng false eyelashes!

May mga aktor naman na sobrang confident sa kanilang pagkalalaki, pero baklang-baklang magsalita. Pero hindi marunong magkabit ng false eyelashes!

Magkakaalaman din bandang huli!

May isa ring kontrobersyal na aktres na nakapag-asawa ng non-showbiz na lalaki.

Pero may kasabihan ngang “it takes one to know one,” iba ang nararamdaman namin kapag nakikita itong non-showbiz dyowa ni aktres.

Napilitan pang naitsika sa akin ng isang aktor na dating dyowa ni kontrobersyal na aktres na may nagkukuwento na raw sa kanyang may pagka-bading daw itong si lalaking ipinalit sa kanya.

Hindi na lang daw siya nagko-comment, dahil wala naman daw siya sa lugar para manghusga o magkomento sa obserbasyon ng iba.

Mahirap na raw at baka makarating pa kay kontrobersyal na aktres. Kaya smile na lang daw siya!

Kim, keri nang gawing biro ang ex!

Napatili na lang si Kim Chiu nang pinasari­ngan ni Vice Ganda sa It’s Showtime nung Sabado ang Philippine Airlines na maaaring sinakyan niya pabalik ng Maynila nung nakaraang Biyernes.

Hindi lang nabanggit kung saan siya nanggaling, pero na-late ng dating sa It’s Showtime si Vice Ganda nung Biyernes, dahil sa na-delay daw ang flight nila pabalik ng Maynila.

Sa segment na Expecially For You ay pinag-uusapan nila ang pamamaraan ng pagpapadala ng mensahe nung unang panahon.

Merong nagtatawagan lang sa telepono sa kapitbahay, pero karamihan ay idinadaan sa pagpapadala ng sulat.

Sabi ni Vice, meron pa raw dati na ‘yung sulat at tinutuping parang eroplano at ipinapalipad papunta sa taong papadalhan mo ng sulat.

Kaya lang ‘yung sa kanya raw hindi umabot dahil na-delay daw ang flight. Papel daw pala ng PAL ang ginamit.

Ang lakas ng dating ng pasaring na ‘yun ni Vice Ganda. Kaya ewan ko kung nakarating sa PAL. Pero sa totoo lang, napapadalas talaga ngayon ang delayed flights ng naturang airlines.

Pero ang isa pa sa kinagiliwan ng mga manonood ng It’s Showtime nung Sabado ay ang mga biruan nila sa dating lovelife ni Kim Chiu.

‘Yun ang mas napansin ng netizens.

vuukle comment

KIM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with