^

PSN Showbiz

Martin, pagtutulungan nina Ogie at Cacai

JUST ASKING - Leon Guerrero - Pilipino Star Ngayon
Martin, pagtutulungan nina Ogie at Cacai
Martin Nievera.
STAR/ File

Sino ang The King 42ever na may concert sa Big Dome (Smart Araneta Coliseum) on Sept. 27? Kailangan pa bang i-memorize ‘yun?

It’s none other than ang itinuturing na nicest guy sa show business, ang pinakamadaling kausap at magaling makisama na si Martin Nievera.

Nakakatuwa at nagsanib-puwersa ang produksyon nina Ogie Alcasid at Cacai Velasquez at ilan pang mga kaibigan sa concert ng taon!

Pumirma ng bagong kontrata sa Kapamilya network si Martin kahapon at segue sa Grand Finals ng The Voice Kids. Tapos lagare siya sa rehearsals ng two major events this coming weekend – ang anniversary ni Cecile Azarcon (na may gawa ng kanyang Ikaw Ang Lahat Sa Akin) at opening ng bagong Solaire sa QC.

Masaya ito dahil kay Cecile, makakasama ni Martin ang mahal niyang ex na si Jackie Lou Blanco, at sa Solaire QC naman, ka-number naman niya si Lea Salonga among others.

Nakaimpake na ba si Martin para sa US concerts nila ni Pops Fernandez?

Ang mas magandang tanong – nakakapahinga pa ba si Martin? Sana naman.

Bawal magkasakit at isang mabait at hardworking na tao like our Concert King!

Kathden reunion, hindi na isasali sa MMFF

So tuloy na tuloy na ang Hello, Love, Again, ang balik-tambalan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards under Star Cinema at GMA Pictures!

Totoo bang may Hong Kong at Canada leg ang shoot?

Nasa promo naman nila ‘yun at mukhang mapagbibigyan ng dalawa ang hopia na hopia na KathDen fans!

Bakit hindi na sumosyo si Alden thru his own production company?

Ang ganda lang talaga ng ganitong mga collab ng dalawang kumpanya na akala noon at napakahirap pagsamahin.

Itong pelikulang ito na kaya ang makaka-break ng box-office records kahit hindi kasama sa Metro Manila Film Festival?

Can this movie really stand alone sa mga sinehan on an ordinary playdate?

‘Yan ang matinding challenge sa KathDen ngayon!

Alex, legit na ang pagiging lipeña

Official Lipeña na si Alex Gonzaga, meaning, puwede na niyang tulungan at iboto ang asawa niyang si Mikee Morada kapag tumakbo ulit ito sa susunod na eleksyon.

Mas mataas na posisyon na ba ang tatakbuhan ni Mikee ngayon o pareho lang na pagka-councilor?

Sa popularidad ni Alex, hindi kaya siya rin ay puwedeng maging winnable bilang elected official?

Paano na pala ang Daddy Bonoy nila, retired na kaya ito sa public office pagkatapos matalo sa Taytay?

Nakakata-quote:

“Ito na yata ang pinakamaligayang araw sa buhay ko, dahil nandito kayong lahat, at maraming envelopes ‘no?” – Lolit Solis

GMA

MARTIN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with