Alden, special request sa despedida party ng kapatid ni Kathryn!
Hindi masabi sa ngayon kung ano na ba talaga ang meron ngayon kina Kathryn Bernardo at Alden Richards.
Para lang kaya ito sa reunion movie nilang Hello, Love, Goodbye o talagang naging close na sila at nanliligaw ba talaga si Alden sa Kapamilya actress.
Alam na alam ng fans ang mga latest na nangyayari sa kanila. Kagaya nung kamakalawa lang na may despedida party pala kina Kathryn para sa kapatid niyang dentista na si Kevin at ang hipag nitong doktora na si Shannen.
Nandun daw si Alden dahil ibinilin daw talaga ng pamilya ni Kathryn na imbitahin ang Kapuso actor.
Ganun na sila ka-close at nakikita kung gaano ka-welcome si Alden si pamilya ni Kathryn.
Matuloy kaya ito sa magandang relasyon?
Sana hindi lang para sa promo ng Hello, Love, Goodbye.
Mamayang gabi na ang official announcement ng collaboration na ito ng Star Cinema at GMA 7.
May hint na ang Star Cinema at GMA Pictures na HLG 2 ito dahil sa isang artcard nilang Hello ang nakalagay.
Ang isa pang narinig namin, balak daw ni Alden na makipag-collab din sa proyektong ito – ang kanyang Myriad Films.
Vivamax, 11 milyon na ang subscribers
Lalong namamayagpag ang Vivamax na sa loob ng tatlong taon ay naka-11M subscribers na.
Sa nakaraang media conference na ipinagdiwang ang pataas na subscribers ng Vivamax, ipinakilala ang 11 new breed of Vivamax stars na halos lahat ay magaganda, sexy at palaban.
Ito ay sina Dyessa Garcia, Rica Gonzales, Christy Imperial, Arah Alonzo, Vern Kaye, Athena Red, Alessandra Cruz, Jenn Rosa, Candy Veloso, Mariane Saint at Skye Gonzaga.
Lahat sila ay nakagawa na ng pelikula sa Vivamax, pero ngayon pa lang sila ilulunsad bilang mga bagong bida sa mga susunod nilang gagawin sa naturang streaming service.
Sabi nga ng taga-Viva Films, halos araw-araw daw ay ang daming magagandang babae at mga guwapo ring lalaki ang nakikita sa Viva na nagbabakasakaling kunin silang artista.
Sabi naman ng Viva Films boss na si Vincent del Rosario, mahalaga pa rin ang talent kaya masusi nilang pinipili na’t puwede itong maging big.
Ipinagkibit-balikat na lamang ng mga taga-Viva ang hindi magagandang sinasabi ng iba laban sa Vivamax.
Ani Vincent del Rosario, “Sa amin, we take it lightly. Happy kami na napapansin na ‘yung platform. Sabi nga namin minsan. Biru-biruan namin among the family, na ang Vivamax parang Colgate pagdating sa toothpaste. Naging part na siya ng pop culture. So ‘yun hindi mo mabibili. Ito ay natural na naisip ng mga tao.
“Parang ang Vivamax is equivalent to mature content. Okay naman.”
Nag-umpisa ang Vivamax noong panahon ng pandemic na talagang patay ang entertainment industry.
Nag-hit ito at sinubukang gayahin ng iba.
“I think ‘yung ano… for the past three years we produced 200 movies. Almost nobody else was producing content for the platform. Top directors have been coming to us. It’s a progress.
“Marami kaming nagawang projects. Maraming young directors na hindi nabigyan ng opportunity sa mainstream, dahil walang nagpo-produce, nabigyan ng opportunity sa amin.
“Ang mga artistang ‘to, nagkaroon sila ng chance para maipakita ‘yung talent nila. And hopefully ‘yung may talent, mag stay. ‘Yung hindi, ‘yun lang nagawa na nila ‘yung kanilang dream,” saad ni pa Vincent del Rosario.
- Latest