Globe, pinarangalan sa pakikipaglaban sa digital piracy
Pinarangalan ng Intellectual Property Office of the Philippines (IPOPHL) ang Globe dahil sa hindi matatawarang dedikasyon nito sa pangangalaga sa intellectual property (IP) rights at pakikipaglaban sa digital piracy.
Kinilala ang kumpanya kasama ang ilang indibidwal at institutional partners para sa kanilang suporta sa pagpapatibay ng IP protection at enforcement efforts sa ginanap na Gawad Yamang Isip Awards (GYI) na pinangunahan ng IPOPHL and the World Intellectual Property Organization (WIPO) kamakailan. Ang mga parangal ay kinilala ang IP rights holders na nagbigay ng malaking kontribusyon sa innovation, creativity, at business.
Ang mga parangal ngayong taon ay nakahanay sa WIPO’s World IP Day theme na “IP and SDGs: Building our common future with innovation and creativity.” Ang pagkilala ng Globe ay nagmula sa maagap na hakbang para labanan ang hindi awtorisadong pamamahagi at pagbenta ng mga pirated content sa internet.
Nilagdaan kamakailan lamang ng kumpanya ang Memorandum of Understanding (MOU) kasama ang IPOPHL at iba pang nangungunang internet service providers (ISPs) upang mapagtibay ang site-blocking mechanism laban sa pirate sites.
Upang makatiyak na ang talento ng mga Pilipino ay kinikilala, pinoprotektahan at ginagantimpalaan nang wasto ay nakiisa ang Globe sa creative, entertainment, at digital industries sa pagsulong para sa mabilisang pagpasa sa Senado ng mga amendment sa Intellectual Property Code upang gawing institusyonal ang online site blocking.
Bilang bahagi ng #PlayItRight advocacy, aktibong isinusulong ng Globe ang pagprotekta sa creative industry ng bansa mula sa mga nakasisirang epekto ng pamimirata.
Sa pamamagitan ng pangangaral sa publiko tungkol sa importansya ng pagkonsumo ng content mula sa legitimate sources habang sinusulong ang institutionalization ng site-blocking mechanisms, umaasa ang Globe na mapalago ang mas ethical at sustainable digital ecosystem.
- Latest