^

PSN Showbiz

Zsa Zsa, may celebration sa kanyang 60th

Pilipino Star Ngayon
Zsa Zsa, may celebration sa kanyang 60th
Zsa Zsa Padilla at Darren Espanto.
STAR/ File

Humanda para sa special back-to-back birthday surprises nina Zsa Zsa Padilla at Darren Espanto ngayong Linggo (Mayo 19) sa ASAP Natin ‘To sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Samahan ang ASAP family sa pagdiriwang ng ika-60 na kaarawan ni Zsa Zsa na magtatanghal niya ng kanyang pinakabagong single na Pag Tinadhana. Makakasama niya sa entablado sina Martin Nievera, Gary Valenciano, Erik Santos, at iba pang surprise guests.

Magpapatuloy ang selebrasyon para sa birthday boy na si Darren Espanto, na maghahatid ng concert-level performances ng Believer ng Imagine Dragons at Unstoppable ni Sia.

Abangan naman ang mga kapana-panabik na production mula sa Nation’s Girl Group BINI, na kakanta ng Huling Cha Cha mula sa kanilang album na Talaarawan, at ni Felip ng SB19, na magpo-promote ng kanyang bagong single na Fake Faces.

Subaybayan din ang mga nakakakilig na pagtatanghal mula kina KD Estrada, Alexa Ilacad, Loisa Andalio, Jeremy Glinoga, Sheena Belarmino, Anji Salvacion, at Krystal Brimner, kasama ang G-Force at Legit Status.

Gawing mas espesyal ang iyong Linggo kasama si Martin at sina Imogen, Kulot, Jaze, Argus, at Kelsey na magbibigay ng isang nakaka-touch na awitin. Ipakikilala rin ni Martin ang grand winner na si Kim Hewitt bilang pinakabagong Kapamilya champion, na aawit ng I Don’t Wanna Miss A Thing ng Aerosmith.

Saksihan naman ang all-star performance kasama sina Regine Velasquez, Zsa Zsa, Ogie Alcasid, Vina Morales, Erik, Jed Madela, Kyla, Nyoy Volante, Frenchie Dy, Jason Dy, Jeremy, Klarisse De Guzman, Alexa, Sheena, Fana, at Katrina Velarde sa kanilang pag-awit ng international hit songs. Makikipagrakrakan din si Bamboo na magpe-perform ng Losing My Religion ng R.E.M.

Tampok din sa ASAP ang mga greatest hits ng OPM songwriter na si Cecile Azarcon na ihahatid nina Martin, Regine, Zsa Zsa, Ogie, Kyla, at Erik. Tuluy-tuloy ang music fest dahil sa mga nakamamanghang performance ng Air Supply hits mula sa mga singing champion na sina Jed, Jona, Klarisse, Jason, Bugoy, Lyka Estrella, Khimo, Reiven Umali, Katrina, Marielle Montellano, JM Yosures, Sam Mangubat, at JM Dela Cerna.

Samantala, maghanda para sa isang nakaka-excite na clash dance mula kina Chie Filomeno at Sam Bernardo kasama ang D’ Grind sa ASAP stage. Abangan din si Robi Domingo na makikisaya sa lahat ng Kapamilya artists, stars, at guest performers sa ASAP stage.

DARREN

ZSAZSA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with