^

PSN Showbiz

ABS-CBN/Star Cinema at gma, sanib-pwersa kina Alden at Kathryn

JUST ASKING - Leon Guerrero - Pilipino Star Ngayon

Itong Kathryn Bernardo and Alden Richards re-team-up na nga ang i-a-announce na joint venture ng ABS-CBN / Star Cinema and GMA Pictures this weekend.

Ano pa nga ba ang mas magme-merit pa ng historic na pagsasama ng giant network film companies kundi ang record breaking hit na follow-up ng Hello, Love, Goodbye?

Pero ang tanong, pang-Metro Manila Film Festival ba ito? As it is, puwedeng stand alone ang playdate nito dahil sa pagsasanib-pwersa ng mga production giants na may TV network support.

Besides, may kanya-kanya nang ikinakasang projects ang ABS-CBN/Star Cinema at GMA Pictures para sa MMFF 50.

But who knows? Anything can still happen!

Pero exciting talaga itong collab ng ABS-CBN at GMA na hindi lang pang-TV kundi pang-pelikula pa!

Sana mas marami pang ganitong efforts. Clap, clap. clap.

60 producers, interesado sa MMFF

Grabe, ang rinig natin ay higit 50 o baka umabot pa nga sa 60 letters of intent daw ang natanggap ng MMFF Secretariat para sa darating na 50th Edition ng Metro Manila Film Festival.

Magandang senyales ito na maraming interesadong mamuhunan para sa malalaking pelikulang pang-Pasko.

Maganda ring pinaghahandaan talaga ito ng film community at maging ng mga audiences.

Pero alam naman ng lahat na sa lahat ng submissions eh 8 hanggang 10 lang ang matatanggap sa mga pormal na lahok, ‘di ba?
Maximum of 2 per genre o film types/categories lang ang puwedeng pumasok.

Pero there is really no harm in trying lalo pa’t tuwing MMFF buhay na buhay ang industriya ng pelikulang Filipino.

Basta tatandaan:  June 14 deadline ng finished scripts. Sept. 30 deadline ng finished films.

Exciting talaga itong Golden year ng MMFF. Aabangan natin ito!

Joshua, kailangang patunayang may fans na gumagastos

Finally, ipapalabas na pala ang pelikulang Fruitcake na nagtangkang isali sa MMFF last year pero naligwak.

Dito ngayon susubukin muli ang bankability ni Joshua Garcia kasama ang mga komedyante and a bevy of cast members led by Empoy. Kakayanin ba ito ni Joshua na gawing hit?

Naku, after the other movie Mga Kaibigan Ni Mama Susan na nag-straight to streaming na, ‘di ba kaya nabantilawan na ang pelikulang ito?

Great effort din on the part of Joshua na gawin siyang ban­kable sa box-office lalo pa’t paparating din ang reunion team-up nila ni Julia Barretto.

Teka, nagtatanong tuloy ang mga tao, may paying fans ba si Joshua Garcia?

Bagets, 40th anniversary na

It’s the Bagets The Movie’s 40th Anniversary this year! Ang tanong ng mga loyal nilang fans, may naka-line up bang activities for this landmark celebration?

Mahirap bang pagsama-samahin sina Raymond Lauchengo, JC Bonnin, William Martinez at Aga Muhlach plus the Bagets girls in a concert?

‘Di ba may Bagets Foundation din silang tinutulungan, sana matuloy ang reunion nila para sa followers ng kanilang makulay na generation - at puwede pa silang mag-tribute sa direktor nilang si Maryo J. delos Reyes. Paging Viva and all the Bagets fans out there, let’s celebrate na!

Nakakata-quote:

“Trust the way you raised me. I’ve got this!” – KC Concepcion

ALDEN

KATHRYN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with