^

PSN Showbiz

Dennis wala nang kaalam-alam sa totoong apelyido nila Julia

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Dennis wala nang kaalam-alam sa totoong apelyido nila Julia
Julia Barretto
STAR/File

Ahh ‘di pala updated si Dennis Padilla kung anong apelyido ng mga anak niyang sina Julia, Claudia and Leon kay Marjorie Barretto.

I mean ‘yung ginagamit sa legal documents ng mga ito.

Maalalang 10 years ago ay nag-file ng petition si Julia upang tanggalin ang apelyido niyang Baldivia at maging legal ang Barretto.

Anong nangyari sa nasabing petition ng mga anak niya “Taong 2014 pa ‘yan, mga ten years ago,” sagot niya sa amin kahapon pagkatapos ng exhibitors preview ng pelikulang When Magic Hurts na mapapanood na sa mga sinehan starting May 22.

Aminado siyang hindi niya alam ang kinalabasan ng nasabing petition: “Hindi ko alam ang naging decision ng judge, pero I think nung nagreklamo ako at kumontra ako when I was interviewed in Startalk, that was the first and last time that I talked about it,” pag-alala niya.

“Kaya ko naman pinaglaban noon dahil ‘yung mga bata noon was underage. Pero nung dumating na adult na sila, sinabi ko sa judge na wini-withdraw ko na ‘yung pagtutol ko kasi they’re on the right age, nasa tamang edad, puwede na silang mag-decide on their own kung anong gusto nilang family name na gamitin. So after that, hanggang ngayon as we talk, hindi ko alam,” kumpisal niya.

“Kung ano ang ginagamit nila sa legal documents ngayon hindi ko alam kung Barretto o Baldivia. Pero wether Barretto or Baldivia ang kanilang ginagamit, it’s fine. Happy na ako na alam nila na anak ko sila. Alam ng Diyos na ako ang tatay nila, ok na ‘yun,” dagdag niya pa kahapon.

Hindi ka ba pinatawag ng korte noon?

“Actually, ‘yung discovery ko na nagpapalit sila ng apelyido was an accident.

“Kasi noong 2014 pumunta ako QC Hall, when I went there, ‘yung kaklase ko nung college, kaklase ko sa political science sa UST, nagkita kami sa baba,  pagkita ko, tinawag ko siya ‘Judge balita ko judge ka na sa QC.’

“Sabi niya ‘oo’.

“Alam mo ba, sa tabing korte ko, may nag-file... nagpunta ako, dumiretso ako, dun ko tinanong ‘yung secretary nung judge na may ganun pala. So after that, kumuha na rin ako ng lawyer.”

Kung ‘di mo na-discover, walang contention.

“Mas bibilis ‘yun. Nagka-issue lang dahil nagsalita ako,” pag-aalala ulit niya sa mga naganap noon.

So ngayon ok na sa ‘yo, accepted mo na?

“Oo ok lang, kasi ang tanda ko na, kahit ipaglaban mo, wala ka nang panalo dahil si Julia is already 27, si Claudia is 25, Leon is already 21. Kahit anong apelyido ang kanilang dalhin, they can decide na.”

Pero masakit pa?

“Oo that’s painful, tatay ako.”

Intentional na ‘di mo na inalam ang decision ng court noon?

“Yes hindi ko na inalam.”

Samantala, gustung-gusto na niyang magkaayos na sila ng da­ting misis - Marjorie Barretto.

“Siguro kailangan namin ng broker. Senior na ako, 50 na rin siya, ang bilis ng buhay, ‘yung ibang kasabay nga namin patay na.”

Andun pa nga raw ang sakit, pero nawawala, at bumabalik.

“Pero pag tumatanda ka, parang nagse-settle ‘yung nararamdaman mo.”

At kung magkakaroon daw ng healing and reconciliation, nag-e-excite siya. “Excited ako kung magaganap sa mga darating na araw.”

Pero tanggap niya na hindi talaga mabilis ang proseso. “Marami ring mga mga masasakit na pinagdaanan, so siguro ang level ng pain ay malaki, ang time ng healing, mahaba.

“Kaya I hope sa totoong buhay magkaroon ako ng magic,” ang tinutukoy niya ay ang kuwento ng pelikula nina Beaver Magtalas, Maxine Trinindad and Mutya Orquia.

Pero bitter ba siya? “Hindi naman bitter, pero painful siya. Kasi ito na-experience ito ng seperated couples. ‘Yung nag-seperate ka sa partner mo, masakit ‘yun pero ‘yung na-seperate ka sa mga anak mo, mas masakit ‘yun, especially nung maghiwalay kami ni Marjorie, Julia was only 10, Claudia was only 8, tapos Leon was 3 or 4. So talagang masyadong mga bata, sobra.”

Naalala rin niya na hindi kasi siguro siya nag-focus noon sa pagre-reachout kay Marjorie ‘dahil ang effort ko na-focus sa reaching out sa mga bata.’

Nag-reachout ka nung magkasakit si Julia recently?

“‘Di ko alam kung tama, kasi ‘di ko alam kung matutuwa, to play safe, quite na lang. Parang heart lang ang message ko. Hindi kami nag-usap. Feeling ko sa pagkakasabi niya, mukhang over fatigue. Sa pagkaka-discribe. Sabi ko baka sunud-sunod ang puyat, minsan hindi ka naman pagod pero madi-drain ka sa heat,” ang analysis niya kung ba’t na-hospital ang anak.

So tuloy ang pagre-reach out mo? Even though wala kang nakukuhang response: “wala namang mawawala sa pagkatao ko... wala namang mawawala sa pagkalalaki ko, kaya ok lang ‘yun. (sabay luha) punas ng tissue.”

Pag-amin niya : “Kumbaga ang dami ko ring mga kasalanang nagawa sa buhay ko. Siguro ‘yun ang payment. Siguro ngayong nakapagbayad na ako , sana magkaroon ng reconciliation or magkaroon ulit ng chance na makapag-usap.

“Di ko naman sinabing maging close kami ulit. Ang gusto ko lang magkaroon ng communication tapos masabi ko lang ‘yung side ko ng buo, walang edit. 100 percent. Kasi kako baka ang alam nila konti-konti. ‘Di ‘yung buong story,” sabi pa ni Dennis na ang lakas ng dating ng ‘gay’ role sa When Magic Hurts.

Speaking of When Magic Hurts, overwhelming ang suportang ipinakita ng mga taga-Nueva Ecija sa red-carpet premiere night nito last weekend na ginanap sa NE Pacific Mall sa Cabanatuan last Sunday. Saksi kami kung gaano karaming tao ang nagtilian upang suportahan ang pelikula ng kanilang kababayang si Beaver.

“I’m really happy na nabigyan po talaga ako ng opportunity to show it here. Of course, this is like my first big movie po, so I want to show it din po sa mga kapwa-Nueva Ecijano, and of course, to my friends and family here. Hindi na po nila kailangang lumuwas to see it,” sey ng baguhang actor.

Ayon naman kay Maxine, “Sobrang grabe ng love nila for Beaver. And what is amazing po about Nueva Ecija, grabe ‘yung support nila, not just for Beaver but to all the cast. So, sobrang nakakataba ng puso.”

Kinunan pa ito sa breathtaking mountain and garden views of Atok, Benguet at pahabol sa Mother’s Day ang kuwento.

Showing na sa mga sinehan nationwide ang When Magic Hurts sa May 22 mula sa direksyon ni Gabby Ramos.

Aside from Dennis, kasama rin sa pelikula sina Angelica Jones, Archie Adamos, Cassie Kim, Dennah Bautista, Julian Roxas, Blumark Roces at Aryanna Barretto with special participation of Claudine Barretto.

DENNIS PADILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with