^

PSN Showbiz

Queenie Padilla natulad ang kapalaran kay Kylie

Pilipino Star Ngayon
Queenie Padilla natulad ang kapalaran kay Kylie
Queenie at Kylie
STAR/File

MANILA, Philippines — Awws natulad kay Kylie Padilla ang kapalaran ng kanyang sister, panganay na anak ni Robin Padilla na si Queenie Padilla.

Hiwalay na ito sa Pakistani husband niyang si Usama Mir ayon sa isang post nito last Tuesday.

“Assalamualaikum, after much thought and consideration my husband and I have decided to seperate due to irreconcilable incompatibility,” paliwanag ni Queenie na ang Muslim name ay Mashel Khadija Mir.

Si Queenie ay kapatid sa ama’t ina ni Kylie, si Liezl Sicangco ang kanilang ina sa ama ngayong senador na si Robin Padillla.

Aniya, sinubukan naman nilang ayusin ang lahat.

“This decision wasn’t taken overnight it has been years and months of trying to work things out,” sabi niya sa nasabing post.

“I will always have love, honor and respect for the father of my child. He’s a great father and responsible human being.

“Although life has taken us on different paths right now, I will forever che­rish the 11 years we’ve had together,” sabi pa niya sa nasabing post.

Respeto naman ang hinihiling niya sa nangyari sa kanila at nagpasalamat din siya sa lahat ng mga sumuporta.

“Thank you for all your support over the years. Please respect our privacy during this difficult time,” pagtatapos ni Queenie.

Dagdag niya ay magpapahinga muna siya sa social media.

“Taking a break from social media,” pagtatapos niya.

Gigi De Lana, nagluluksa

Pumanaw na ang ina ng singer na si Gigi de Lana.

Sa kanyang post ay nagpasalamat ito sa lahat ng mga nagdasal sa kanyang ina na matagal na nakipag­laban sa sakit na breast cancer.

“Salamat sa lahat ng dasal niyo kay mama.

She passed away at 9:19pm May 14, 2024

Mahal na mahal kita mama. Pahinga ka na.”

Inamin ng singer ang karamdaman ng ina nang magpaiksi siya ng buhok bilang suporta sa chemotherapy ng ina.

Kasalukuyan itong nasa Amerika para sa kanyang US tour.

KYLIE PADILLA

QUEENIE PADILLA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with