^

PSN Showbiz

Karla, laging ipinagdarasal na maging ok si Daniel

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Karla, laging ipinagdarasal na maging ok si Daniel
Karla Estrada

Kontrobersyal ang naging hiwalayan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla bago magtapos ang 2023.

Ayon sa ina ng aktor na si Karla Estrada ay madalas na kinakamusta ng mga malalapit sa kanilang pamilya ang panganay na anak. “I always pray that he will be okay but at the end of the day, ‘yung question na kamusta ‘yung anak ko, kamusta si Daniel, si Daniel lang ang tanging makakasagot nang buo no’n. As a mother, I always pray for the best for my son, para sa mga anak ko. Hindi lang kay Daniel, and I always pray na sana better sila,” makahulugang pahayag ni Karla sa YouTube channel ni Bernadette Sembrano.

Para sa aktes ay kailangang matuto ang kanyang mga anak mula sa mga pagsubok na napagdaanan. “Sana maganda ang lesson talaga. Kasi kailangan mong magkamali para may matutunan ka at para maging mas maayos ka at mabuting tao. Nandito lang ako lagi sa likod ni DJ if ever tawagan niya ako, gusto niya akong makausap. It’s an exercise for my children na hindi dapat nakatanghod agad sa akin tuwing mayroon silang problema. Kasi ang tinuro ko sa mga anak ko, pwede kayong madapa, pwede tayong masaktan, and then just learn from it. Matuto lang tayo riyan kasi hindi pwedeng tumigil ang buhay eh,” paglalahad ng Face 2 Face host.

Ayon Kay Karla ay normal lamang sa isang tao na nagkakamali paminsan-minsan. Ang mahalaga ay palagi siyang naririyan sa tabi ng apat na anak upang sumuporta. “Lahat nagkakamali, magsisikwenta na ako ngayon. Hindi pa rin perfect ang buhay ko. Araw-araw may pagkakamali pa rin tayo, lagi kasing ‘yan ang goal, bago ka matulog, magpatawad ka, humingi ka ng tawad. Ipagdasal mo ‘yung mga taong nagagalit sa ‘yo. Everytime may pagsubok ‘yung mga anak ko, I make sure na ako ‘yung pader na pwede nilang sandalan. Ipaglalaban ko ‘yung mga anak ko hanggang nandito akong malakas sa tabi nila,” giit ng aktres.

JM, mas minahal na ang sarili

Bukas na gaganapin sa Laiya, San Juan, Batangas ang ‘Star Magic Hot Summer 2024.’ Isa si JM de Guzman sa mga dapat abangan sa naturang event. Noong una ay magkahalong emosyon ang naramdaman ng aktor nang mabalitaan ang tungkol sa proyekto. “Noong nalaman ko itong project, na-excite ako kasi gusto ko na rin ng change. At the same time kinabahan ako kung kakayanin ko ba. Kasi at that time naglu-loose na ako ng hope eh. Parang ang sluggish ko na, walang self-confidence, walang self-esteem. Hindi ko na masuot ‘yung mga damit ko. Tapos nako-conscious akong lumabas sa TV and magpakita sa mga tao. Naba-bash na ako kapag nakikita ‘yung video ko sa TikTok, sa TV, sa show namin sa Linlang, bakit daw ang taba-taba ko. Noong una masakit pero ginawa ko na lang siyang motivation,” nakangiting kwento ni JM.

Nagsumikap umano ang binata upang magkaroon ng mga pagbabago sa kanyang sarili.  “Nag-start na lang ako sa process kasi sa una mahirap talaga. Ngayon nagbubuhat ako, metabolic exercises, nagbo-boxing ako, binantayan ang diet. Parang ang mindset ko lang no’n ay kaya kong umabot sa optimum ko eh, mentally, physically. Alam ko kaya ko ‘yon kaya hindi ako nag-give up. Kailangan ko lang pagtrabahuhan para mas maging productive at mas mag-deliver nang maayos sa trabaho. And hindi maapektuhan ‘yung relationship ko with family and friends. Kasi kapag maayos ang state of mind, bumabalik ‘yung disiplina mo. Bumabalik ‘yung focus. Siyempre importante ‘yung self-esteem mo. Ngayon nasusuot ko na ‘yung damit ko ulit. Before kapag tumitingin ako sa salamin, ‘Ano ba ‘tong nangyayari sa akin?’ Mas minamahal ko na ‘yung sarili ko ngayon. Kailangang alagaan natin ‘yung sarili natin para sa huli hindi tayo bumagsak. Bumagsak man, may sasalo sa atin which is ‘yung sarili natin,” pagbabahagi ng aktor. — Reports from JCC

ACTRESS

KARLA ESTRADA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with